PRESS FREEDOM: Hindi panangga ito sa ginawang kasalanan

Wala tayong mahanap na provision sa 1987 Constitution na nagbibigay sa mga media organizations o mga kasapi nito ng karapatan na mag-violate sa mga batas ng bansa by just invoking PRESS FREEDOM.

The Constitution protects freedom of the press. Ibig sabihin, kailangan mabigyan ang ating media ng sapat na kalayaan sa pag report ng balita o pagbigay ng mga kommentaryo tungkol sa mga pangyayari sa lipunan. But even that right is not absolute. May libel laws tayo na nagbabawal ng mga malisyosong pag print o broadcast ng mga bagay na maaraming maka-sira sa pangalan o pagkatao ng iba. Hindi porket totoo ay puwede na nating isulat at post sa Facebook o Twitter o ilabas sa media.

Ang kaso na isinampa sa ABS-CBN ay walang kinalaman sa kung anuman ang mga pahayag nito sa television.

Natuklasan ng Office of the Solicitor General na marami silang nagawang violations sa ating batas. Malalaking krimen. Panlilinlang sa mga subscribers nito. The network is alleged to have ripped off hundreds of millions of pesos from illegal transactions. HIndi pa nga yata kasama diyan yung pag-WRITE OFF, o pagbura, ng utang nito sa Development Bank of the Philippines. Utang nila galing sa pera ng bansa, hindi na siningil.

SO WHAT ASSAULT ON PRESS FREEDOM ARE YOU TALKING ABOUT, ABS-CBN?

At malinaw na binibigyan sila ng DUE PROCESS. Pinapadaan ito sa Supreme Court, ang pinakataas na hukoman sa bansa. May pagkakataon itong mapahayag ang panig. Kung talagang wala naman silang ginawa na kasalanan, di ma di-dismiss ang kaso. At wala itong kinalaman sa kanilang application for renewal of franchise. Ang mga Congressmen ang kausapin nila tungkol diyan, hindi si Solicitor General Jose Calida.

Sa madaling salita, huwag niyong gamitin na SHIELD, o panangga, ang pangalan ng PRESS FREEDOM upang maka-iwas kayo sa mga pananagutan sa batas na inireklamo ni Calida sa Supreme Court. Fight on the merits of the case.