We heal as one, but dilawans keep pulling nation down

Two days ago, inulunsad ang isang serye ng mga online concerts na may tema na “We heal as one” sa gitna ng krisis dulot ng Covid 19 pandemic sa bansa.

Indeed, this is a time for everybody to close ranks and fight this disease as one people. Mas malubha pa sa pandaigdig na digmaan ito. Kailangan magtulongan tayo upang masugpo ang sakit. Sana makalimutan muna ang political divisiveness. Malaking kahirapan ang nasa harap natin, pero kailangan maging matatag ang kalooban natin at mag-tiis. This requires big sacrifice.

Kaya nalulungkot ako na makita ang mga dilawan at mga leftist groups na patuloy na ina-atake ang ating gobyerno on the propaganda front. Uma-agaw eksena sila sa bawat pagkakataon. Walang pahinga sa paghanap ng dahilan upang maka reklamo. Gusto nila ipalabas na hindi ginagawa ng gobyerno ang katungkulan nito sa taong bayan.

There will be a time for accountability. But not now.

Bigyan natin ang gobyerno, lalo na si President Duterte, ng pagkataon na mamuno na walang hadlang at abala. Kung may kapalpakan sa mga ahensiya, nakakasiguro ako na nakikita yan ni President Duterte. Hiindi nakakatulong ang pag-iingay.

LET US HEAL AS ONE.