Advertisements

May panagotan daw si Teddy Boy, sabi ni Kiko

Dumepensa si Senador Kiko Pangilinan sa bise presidente sa pagtawag sa kanya na “boba” ni DFA Secretary Teddy Boy Locsin o TBL. Paglabag daw ito sa RA 6713, o yung Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees. Hindi raw karapatdapat na tawagin ni TBL na “boba” si Madam Leni Robredo. Bakit ano ba ang masama doon?

Totoo naman ang sinabi ni TBL, di ba?

Kung ako kay Kiko at ang natitirang kasamahan nito sa hanay ng mga dilawan, sikapin nila na turuan si Madam Leni kung ano ang nakarapatdapat na sabihin sa araw-araw na pagsilbi nito bilang bise presidente.

Napakaraming palpak sa mga pahayag at kilos ni Madam Leni. Mabait na nga si TBL sa pagtawag nito na “boba” ang pekeng VP.

Ang violation ng RA 6713 ay puwedeng kasohan sa Civil Service Commission o sa Office of the Ombudsman.

Mamili na lang si Kiko kung saan niya isasampa ang kaso.

Marami pa ang papalakpak kay TBL at sisigaw sa saya pag mangyari yan.

Advertisements