Grace Poe pumapapel sa gitna ng krisis

Kumukulo ang dugo ko dahil sa pagbatikos na naman ni Senator Grace Poe sa Department of Health sa binili nitong mga protetive personal equipment o PPE para sa ating mga doctors, nurses at iba pang frontliners na lumalaban sa Covid 19 pandemic.

Overpriced daw ang binili ng DOH sa halagang P1,800 bawat set ng PPE. Sa kanyang canvass daw, ang bawat isa ay pumipresyo lang ng P400 hanggang P1,000 per set. Pero hindi naman niya sinabi kung saan siya nag canvass, at kung ano ang material na ginamit para dito.

Sa paglilinaw ni DOH Undersecretary Ma. Rosario Vergeire, hindi pare-pareho ang paggawa ng mga PPE. Ayon sa kanya, itong binili ng DOH ay top-of-the-line. Pinakatibay panglaban sa mga infectious disease. Kaya may kamahalan

Oo nga naman, Senator Grace.

Kahit sa anong gamit, iba iba ang presyo. May fake na Rolex na mabibili mo sa halagang P500. Yung genuine at hindi mo mabili ng mas mababa sa P250,000. Meron pa nga milyon-milyon. It’s the same thing with cell phones and many other gadgets. May peke. May genuine. Siyempre mura ang peke.

More than that, we are living in dangerous times. And that danger is nowhere more present than our hospitals where Covid 19 patients are being treated. Our doctors, nurses, medical technologists, staff and even janitors are exposed to the virus 24/7.

Hindi na kailangan pang ipaliwanag ang panganib na hinaharap nila. As of last night, 19 na yata ang mga doctor na namatay dahil sa sakit na ito.

Sa ganitong sitwasyon, time is of the utmost essence. Rush, rush, rush. At lahat na bansa ngayon ay nag-aagawan para makabili ng PPEs para sa kanilang mga hospital frontliners. It’s the basic law of supply and demand at work. The DOH just had to buy by the hundreds of thousands of sets ASAP. Wala nang panahon upang makipagtawaran.

Gusto lang talaga ni Senator Poe na magpaporma at the expense of the government’s efforts to combat this pandemic. What is she trying to prove? That she is for clean government? Holy shit! Puro Senate investigation na nga lang ang ginagawa niya. Wala namang positive output.

For example, she conducted hearings into the drug situation in Iloilo just before the 2016 elections. She was running for President, and apparently, she figured it would help varnish her image if she looked to be tough on illegal drugs.

Subalit wala namang nangyari pagkaraan ng limang taon. Poof! The issue vanished into thin air.

Kaya Madam Senator, please keep your mouth shut at this time.