Advertisements

Isko Moreno for President?

Wala pang dalawang linggo si Isko Moreno bilang alkalde ng Maynila pero uma-ani na ito ng napakaraming papuri dahil sa paglinis niya sa lungsod at pag-ayos ng mga problema na matagal nang nakikita sa paligid.

Kaya hindi nakakagulat na ngayon pa lang, may mga nagpupuna na isang “presidential material” si Mayor Moreno para sa bansa sa 2022 national elections.

Pinapakita ni Mayor Moreno ang tinatawag na “political will”, ang pagtugis ng mga desisyon at hakbang na hindi nababahala kung ano man ang resbak nito galing sa mga taong apektado.

Sa napakatagal na panahon, parang naging imposible na ma-clear out ang mga lansangan sa Maynila, lalo na diyan sa Quiapo area. Naging madumi ang lungsod. Masikip ang mga lansangan na halos hindi na mada-anan ng sasakyan.

Pero sa unang araw pa lang ni Isko bilang Mayor, naipakita niya na puwede pa lang gawin ang paglinis ng Maynila at isalagay sa maayos na kalagayan ang mga street vendors upang hindi sila makaka-obstruct sa traffic.

Malayo pa ang 2022. Kung ma sustain ito ni Isko, hindi malayo na makakarinig tayo ng mas maraming paghimuk galing sa taumbayan na tumakbo siya bilang Pangulo. Kailangan lang ni Mayor Isko ang “endurance” at “sustainability” upang hindi ma diskarel ang kanyang mga programa.

 

Advertisements