Bakit ang tagal ng recount sa VP race

Nakakainip na itong manual recount na ginagawa ng Presidential Electoral Tribunal sa protesta na ini-akyat ni dating Senador Ferdinand “BongBong” Marcos, Jr. laban sa pagproclaim kay Leni Robredo bilang winner sa eleksyon sa pagka Bise Presidente.

Sa mga balita na dumarating sa publiko, tapos na ang “revision” o mano-mano na pagbasa ng mga balota sa tatlong pilot provinces na Camarines Sur, Iloilo at Negros Oriental.

Mahirap maunawaan ang delay sa pag resolba sa kasong ito. Unfair sa kay Robredo. Unfair sa kay BBM. Unfair sa taumbayan. Wala pong justification ang patuloy na delay sa recount.

Bawat kampo ay nagsasabi na ang kandidato nila ang nanalo.

Wala nang ibang makakasabi ng katotohanan kondi ang PET na pinamumuno-an ni Justice Benjamin Caguioa.

Mga sir, maawa na po kayo sa amin.

Hindi na namin matiis ang suspense.

Eh kung si Leni nga ang nanalo, di siya na!

Pero kailan malinaw ang pagkasabi upang mabura ang anumang pandududa.