Bakit hawak pa ni Del Rosario ang diplomatic passport?

Teka, teka.

Matagal nang hindi Foreign Affairs Secretary itong si Alberto del Rosario, di ba?

Bakit hawak-hawak niya pa ang kanyang diplomatic passport? Sa pagka-alam ko, entitled siya sa diplomatic passport habang nasa serbisyo siya bilang DFA secretary. Dapat yan sinasa-uli sa gobyerno pagkatapos ng kanyang panunungkulan bilang DFA secretary. Kung baga sa driver’s license, expired na yan.

At wala namang kaugnayan sa gobyerno ang kanyang pagpunta sa Hongkong. Hindi lamang mga diplomats ang binibigyan ng diplomatic passports. Pati na rin ang mga matataas na opisyal ng national government. Ito po ay privilege upang hindi sila kailangan dumaan pa sa mahahabang pila sa immigration pagdating sa isang bansa.

Sobrang abuso na talaga itong mga dilawan.

Del Rosario

Dapat alam na ni Del Rosario kung ano ang aabutin sa HK

Malaking hasol ang nangyari kay dating DFA Secretary Alberto del Rosario doon sa Hongkong airport pagkatapos hindi ito pinayagan na makapasok sa bansa at pinabalik sa Pilipinas. Itinigil ng mga immigration officials ng Hongkong ang pagpasok ni del Rosario at pinasa-ilalim sa mahabang proceso na na-uwi lang sa pagtanggi ng entry. Walang dahilan na ibinigay ang HK authorities kung bakit pinabalik si Del Rosario.Del Rosario

Pero alam ng lahat na si Del Rosario, kasama si dating Ombudsman Conchita Carpio-Morales, ang naghain ng reklamo laban kay Chinese President Xi Jingping sa International Criminal Court. At alam naman natin na iba ang batas at kultura sa China. Nangyari na noong buwan ng Mayo na hindi rin pinapasok sa bansa si Carpio-Morales.

So dapat pinasok na yun sa kaisipan niya na ganoon rin ang mangyayari sa kanya pag-sinubukan niyang pumasok sa Hongkong, na sakop na territoryo ng China.

Ito kasi ang problema sa mga dilawan. Akala nila magagawa nila ang kung ano man ang gusto nila pero ayaw rin nilang tanggapin ang negative reaction laban sa kanila.