Advertisements

Kaso laban kay Pnoy, inatras

Umatras ang Office of the Ombudsman sa kasong isinampa laban kay dating Pangulong Noynoy Aquino sa Sandiganbayan kaugnay sa Mamasapano massacre apat na taong nakaraan.

Sa isang “motion to withdraw information,” sinabi ni Ombudsman Samuel Martires na binabawi muna ng Ombudsman ang reklamo nito laban kay Aquino at dating PNP chief Alan Purisima dahil kulang ang ebidensya na kasama sa kaso.

Ano ang ibig sabihin nito? Na makakatakas si Abnoy sa pananagutan niya bilang Commander in Chief sa pagkamatay ng #SAF44 na mga police commandos?

Hindi po.

Kasi nga, noong isinampa ang kaso ni dating Ombudsman Conchita Carpio Morales bago siya nag retiro, napansin na ng mga legal experts na mahina o “weak” ang reklamo, at malamang ay mahuhulog na lang ito sa acquittal, o pag-walang sala kay Aquino.

Kinakailangan mag-conduct muli ng Preliminary Investigation ang Ombudsman upang makatanggap ng mas malakas na ebidensya.

Sinadya talaga yun ni Carpio-Morales na i-akyan ang kaso kahit kulang ang ebidensya upang maka-iwas si Aquino sa pagkabilanggo.

Kasi nga may tinatawag tayo na “double jeopardy”. Kung nakaharap na ang isang tao sa paglitis sa kaso at ma-walang sala ito o ma-acquit, hindi na siya puwede pang kasohan pa ulit sa parehong kasalanan.

Mabuti na lang at napahinto ni Ombudsman Martires ang trial kaagad-agad. Ito ang paraan upang hindi mag-apply ang “double jeopardy” rule.

Advertisements