Advertisements

Biyaya ba talaga???

Marami na rin ang tumetestigo na malaki ang nakuha nilang tulong galing sa Kapa Community Ministry International, Inc. na ipinundar ni Pastor Joel Apolinario. Pero hindi nila alam na ganyan talaga ang pag-operate ng Ponzi modus sa panloloko sa tao. Sa umpisa, binibigyan ng malalaking interest o guaranteed return on investment upang kumalat ang balita tungkol sa kabutihan ng isang grupo katulad ng Kapa. Dahil diyan, yung mga nakatanggap ng “biyaya” ay sila na rin ang umaakit sa mga kaibigan at mga kamag-anak. Hindi yan bago ang style.

Advertisements