Mga terminal na mas malinis, may libreng internet pa

Hindi na maiinip at mahihirapan ang mga pasahero sa bus, jeepney at barko sa buong Pilipinas. Noong Miyerkoles, pinalabas na ng Malacanang ang kakapirma lang ni Pangulong Duterte na batas na nag-uutos sa mga operator ng transportation terminals na ipasiguro ang malinis na mga facilities, lalo na ang CR at dapat may libreng Wifi pa sa mga naghihintay ng kanilang biyahe.

Ibabawal na ang paniningil ng “donation” sa gumagamit ng mga CR at kailangan malinis ang lugar upang mas comfortable ang mga pasahero habang naghihintay ng pag-alis ng mga bus, jeepney o barko.

Isa itong malaking hakbang ng Duterte administration tungo sa upgrading ng mga public infrastructure at mabigyan ang mga mamamayan ng magandang facilities na dati-rati ay pinapabayaan lang ng pamahalan nasyonal. Talagang ibang-iba na ngayon ang gobyerno.

bus terminal