Dapat alam na ni Del Rosario kung ano ang aabutin sa HK

Malaking hasol ang nangyari kay dating DFA Secretary Alberto del Rosario doon sa Hongkong airport pagkatapos hindi ito pinayagan na makapasok sa bansa at pinabalik sa Pilipinas. Itinigil ng mga immigration officials ng Hongkong ang pagpasok ni del Rosario at pinasa-ilalim sa mahabang proceso na na-uwi lang sa pagtanggi ng entry. Walang dahilan na ibinigay ang HK authorities kung bakit pinabalik si Del Rosario.Del Rosario

Pero alam ng lahat na si Del Rosario, kasama si dating Ombudsman Conchita Carpio-Morales, ang naghain ng reklamo laban kay Chinese President Xi Jingping sa International Criminal Court. At alam naman natin na iba ang batas at kultura sa China. Nangyari na noong buwan ng Mayo na hindi rin pinapasok sa bansa si Carpio-Morales.

So dapat pinasok na yun sa kaisipan niya na ganoon rin ang mangyayari sa kanya pag-sinubukan niyang pumasok sa Hongkong, na sakop na territoryo ng China.

Ito kasi ang problema sa mga dilawan. Akala nila magagawa nila ang kung ano man ang gusto nila pero ayaw rin nilang tanggapin ang negative reaction laban sa kanila.

Maritime accident sa Recto Bank

Hindi muna ako nagbigay ng aking opinyon tungkol sa nangyari na banggaan ng Filipino at Chinese fishing boats doon sa Recto Bank na ginagawang isyu ng mga dilawan laban kay Pangulong Duterte. Hinintay ko muna luminaw kung ano talaga ang nangyari at hindi ako sumakay sa bandwagon ng media.

o, eto na ngayon, inamin ng kapitan ng Filipino fishing boat na hindi niya nakita kung sino ang bumangga sa bangka niya. Ibig sabihin, wala nga siyang basehan na bentangan ang mga Intsik na sila ang bumangga sa bangka ng mga Pinoy.fishermen in distress

Dapat natin tandaan na napakaraming maritime accidents na nangyari sa ating kadagataan. Ilang beses na nangyari ang aksidente ng malalaking barko sa dagat kahit na completo ito sa mga radar at iba pang gamit upang malaman kung may panganib na parating. Kahit na napakalawak ng dagat, may banggaan pa rin kahit sa araw.

Tama po ang naging pahayag ni Pangulong Duterte na isa itong maliit na “maritime accident” na hindi kailangan palakihin na maaring makasira sa relasyon sa gitna ng Pilipinas at China. We have to be cautious when it comes to our international relations. Hindi basta-basta’t sumigaw tayo na handa tayo pumunta sa giyera na hindi pa natin alam ang kabuohang katotohanan.