Advertisements

Liberal Party, tinalo ng apo ng Katipunero sa Capiz

Si Esteban Evan Contreras, na naging Bise Gobernador ng Capiz mula noong 2010, ay apo ng Katipunerong kapareho ang pangalan, si Heneral Esteban Contreras (1864-1904). Pagkatapos na pinangakuan siya noong 2016 na magbigay-daan kay Antonio del Rosario Noong nakaraang 2016 na eleksyon, pumayag siyang manatili lamang sa pagtakbo bilang Bise Gobernador dahil sa paki-usap ni Mar Roxas. Tatakbo na sana siya bilang Gobernador sa 2016 na halalan. Pinangakuan siya na “one term” lang si Antonio del Rosario, at sa 2019, siya na ang itutulak ng Liberal Party bilang kandidato nito sa pagka Gobernador.

Subalit yun pala ay pangako na napako. Kaya noong kinausap ulit siya ng LP na ibigay na lang muli kay Del Rosario ang puwesto, nagpasya si Contreras na hindi na siya aatras pa. Kahit na mahirap ang laban, itinuloy ang kanyang pagtakbo. Katulad ng lolo niyang Katipunero, hindi natakot si Contreras sa pera at “party machinery” ng LP sa Capiz.

At nanalo siya.

Ito ang Part One ng kanyang kuwento:

Advertisements