Advertisements

Carpio-Morales, del Rosario mga bagong “star” players sa destab campaign

Wala na talaga ang mga dilawan. Hindi nagtagumpay ang mga pakulo ni Antonio Trillanes kasama na ang mga “Bicoy” tapes. Lalong lumakas pa ang popular support para kay Pangulong Duterte. Talo si Gary Alejano. Talo si Mar Roxas. Talo si Bam Aquino. Kung sa wikang Ingles, “repudiated” sila.

Pero hindi pa rin sumusuko ang mga dilawan. Dahil ubos na ang kanilang “mythical first five”, kinailangan nilang hila-in galing sa kanilang retirement sina dating Ombudsman Conchita Carpio-Morales at dating DFA Secretary Albert del Rosario at palaruin sa championship game.

Napakalinaw ang game plan nila: patuloy ang paninira laban kay Pangulong Duterte sa kanilang panaginip na mapipilitan itong mag resign o hindi kaya ay patalsikin ng mamayang Filipino sa galit.

Paano sila makakakuha ng suporta ng taumbayan? Eh kitang-kita na puro kasinungalingan ang kanilang sandata. Zero credibility. Tapos ngayon mga retiradong tao pa ang pinapalaro. Maayo naman kayo kina Carpio-Morales at del Rosario. Mahihina ang mga tuhod nila.

Advertisements

Bakit hawak pa ni Del Rosario ang diplomatic passport?

Teka, teka.

Matagal nang hindi Foreign Affairs Secretary itong si Alberto del Rosario, di ba?

Bakit hawak-hawak niya pa ang kanyang diplomatic passport? Sa pagka-alam ko, entitled siya sa diplomatic passport habang nasa serbisyo siya bilang DFA secretary. Dapat yan sinasa-uli sa gobyerno pagkatapos ng kanyang panunungkulan bilang DFA secretary. Kung baga sa driver’s license, expired na yan.

At wala namang kaugnayan sa gobyerno ang kanyang pagpunta sa Hongkong. Hindi lamang mga diplomats ang binibigyan ng diplomatic passports. Pati na rin ang mga matataas na opisyal ng national government. Ito po ay privilege upang hindi sila kailangan dumaan pa sa mahahabang pila sa immigration pagdating sa isang bansa.

Sobrang abuso na talaga itong mga dilawan.

Del Rosario

Dapat alam na ni Del Rosario kung ano ang aabutin sa HK

Malaking hasol ang nangyari kay dating DFA Secretary Alberto del Rosario doon sa Hongkong airport pagkatapos hindi ito pinayagan na makapasok sa bansa at pinabalik sa Pilipinas. Itinigil ng mga immigration officials ng Hongkong ang pagpasok ni del Rosario at pinasa-ilalim sa mahabang proceso na na-uwi lang sa pagtanggi ng entry. Walang dahilan na ibinigay ang HK authorities kung bakit pinabalik si Del Rosario.Del Rosario

Pero alam ng lahat na si Del Rosario, kasama si dating Ombudsman Conchita Carpio-Morales, ang naghain ng reklamo laban kay Chinese President Xi Jingping sa International Criminal Court. At alam naman natin na iba ang batas at kultura sa China. Nangyari na noong buwan ng Mayo na hindi rin pinapasok sa bansa si Carpio-Morales.

So dapat pinasok na yun sa kaisipan niya na ganoon rin ang mangyayari sa kanya pag-sinubukan niyang pumasok sa Hongkong, na sakop na territoryo ng China.

Ito kasi ang problema sa mga dilawan. Akala nila magagawa nila ang kung ano man ang gusto nila pero ayaw rin nilang tanggapin ang negative reaction laban sa kanila.