Budol-budol ni FLM ini-imbestigahan na ng Securities & Exchange Commission

Binuksan na ng Securities and Exchange Commission (SEC) ang isang fraud investigation sa ginagawang pangbudol-budol ni Francis Leo Antonio Marcos, o si Norman Mangusin in real life, pagkatapos nakatanggap ito ng reklamo ko.

Sa isang liham na may petsang May 12, 2020, sinabi ni Atty. Oliver Leonardo, Officer-in-Charge ng Enforcement and Investor Protection Department (EIPD) ng SEC, na nakapag-umpisa na ang ahensya sa pag-examine ng mga records at alamin kung ginagamit ni FLM ang kanyang mga foundation sa fraudulent activities.

Ang SEC ang ahensya na may jurisdiction pagdating sa pangbudol-budol gamit ang mga rehistradong kompanya o foundation.

Kung matandaan, ang SEC din ang nag file ng kasong syndicated estafa laban sa Kapa Community Ministry International noong nakaraang taon dahil sa “ponzi style” na panloloko sa mga taong nagtiwala sa mga lider nito.

Humingi ng tulong ang SEC mula sa publiko na maka-ipon ng karagdagang information o mga dokumento na maaring gamitin sa imbestigasyon na ito.

Kung meron po kayong maitulong, maari niyong ma contact si Atty. Leonardo sa telephone number (02) 8818-6337.

 

Peke na ambush (The adventures of Francis Leo Marcos as a budol-budol)

Ngayon lang talaga lumabas ang mga detalye ng mga kabalastugan at panloloko ni Francis Leo Antonio Marcos. Dati kasi, iilan lang ang nagiging biktima niya. At karaniwan, kung may reklamo man laban sa kanya, hindi ito lumalabas sa balita. Ito ang dahilan kung bakit walang hinto ang pang-budol-budol ni FLM sa iba’t-ibang bahagi ng Pilipinas at sa abroad.

Noon pa man, mahilig na si FLM na mang-peke. Mga dokumento. Pati na ang kuwento tungkol sa kanyang buhay. As early as 2007, he started using the name Francis Leo Antonio Marcos for his scams. Peke ang pangalan niya. Hindi naman siya ipinanganak with that name. Wala siyang ma-pakita na dokumento ng genuine upang mapatunayan yan.

Lahat na lang puwede i-peke ni FLM. Pati na ang kunwari’y pagtangka sa kanyang buhay. Binaril daw siya ng riding in tandem.

Nangyari ito noong buwan ng Setyembre, 2012. Maraming atraso na si FLM. At marami ang humahabol sa kanya. Isa na dito ang dating mayor ng isang bayan sa Cagayan Province. Binudol-budol siya ni FLM sa halagang P10 million. Hindi na nagpakita kay Mayor si FLM sa mahabang panahon. Hindi na rin sinasagot ang mga tawag at text.

Kaya nagpasya ang isang anak ni Mayor na lumuwas sa Maynila at hanapin si FLM. Alam kasi nila na diyan siya umi-istambay sa Midas Hotel Casino sa may Roxas Blvd.

Noong matunogan ito ni FLM, gumawa siya ng drama. Tinambangan daw siya ng riding in tandem at binaril. Tinamaan daw sa dibdib ng bala mula sa cal. 45 pistol. Tumagos daw ang bula sa likod niya. Pagkatapos binayaran ang isang tabloid na ibalita ito sa front page ng diyaryo.

brigada news ambush story cropped

Basahin niyo at pinalabas pa ni FLM na kamag-anak siya ng mga Marcos. “Marcos kin” ang tawag sa kanya sa headline. Kuwentong kutsero lang pala. Wala namang imbestigasyon ang NBI.

Sinundan ito ng mga litrato sa Facebook na nagpapakita ng kunwari’y sugat sa dibdib at likod. May bandage lang at antiseptic. Pero sa totoo, wala kahit gasgas sa katawan. Fake news. Pang FB lang.

Tinakot ni FLM si Mayor na ibubulgar niya na si Mayor ang nagpa-ambush sa kanya kung hindi ito umatras sa pag-hunting sa kanya. Kaya tumigil na ang anak ni Mayor sa paghanap at bumalik na lang sa Cagayan Province.

Dito talaga magaling si FLM. Ano ang patunay ko na hindi totoo ang sinasabing sugat dahil sa pamamaril? Sa mga larawan na pinost niya sa FB, makikita na halos nasa gitna ng dibdib ang sugat. Through and through, kung sa wika ng mga forensics investigators. Tumagos ang bala. Kung totoong tama yan ng bala, aba dapat namatay na ang tarantadong ito.

Tignan niyong mabuti. Kung tinamaan siya ng bala sa dibdib, at tumagos ang bala sa likod (exit wound), wasak dapat ang vital organs niya katulad ng lungs at liver, lalo na kung cal. 45 ang baril na ginamit. At kung hired killer nga ang bumaril, hindi talaga mabubuhay ang scammer na ito. Dahil kung tinamaan sa dibdib, sigurado tumba yan at nawalan ng malay. Sana nilapitan pa ng gunman at barilin sa ulo. “Finishing” ang tawag ng mga guns-for-hire niyan.

Hindi nga na-ospital. Sa bahay lang daw nagpagaling.

Setyembre 2012 daw nangyari ang “ambush”. Pero sa litratong ito, na kuha noong buwan ng Marso 2013, sa swimming pool ng Antel Seaview Towers condominium diyan sa Roxas Blvd., makikita na walang scar o peklat sa dibdib ni FLM kung saan siya dapat tinamaan ng bala.

no bullet wound scar

Hindi original si Kim Chiu sa pekeng ambush. Naunahan na siyan diyan ni FLM.

At ginamit pa ito ni FLM upang mapag-perahan. Minsan, may naka-away na Koreano diyan sa casino at sinuntok siya sa may tiyan. Dahil may kaibigan ito sa Pasay City police department, pina-blotter nito na dumugo daw ang sugat niya. Pinuntahan ng mga pulis na kasabwat niya ang Koreano. Nakipag-areglo tuloy ang kawawang Koreano sa malaking halaga upang hindi na lang makasuhan.

 

Ang “lihim na yaman” ni Francis leo Marcos

Bilib talaga ako kay Francis Leo Antonio Marcos.

Meron pala siyang tinatago na P81 million sa bangko. Nandun lang ito sa tatlong branch ng PS Bank, dalawa sa Quezon City at isa sa Tuguegarao. Lihim ito na tinatago ni FLM. Ayaw niyang mabisto ng mga blind fanatics niya. Baka marami ulit ang hihingi ng pera. Wala na nga siyang ibinigay eh. Siya pa ang nagnakaw ng pera ng mga taong naniwala sa kanya.

Seriously speaking, we stumbled upon three passbooks owned by FLM in these bank branches. At sa pinakahuling posting o record sa mga passbook, may balanse si FLM na P81 million mula pa noong October 16, 2012. Halos walong taon na ang nakaraan.

Ang sabi ni FLM sa mga inutangan niya, may “freeze order” daw ang gobyerno sa kanyang mga bank accounts. Ito daw ang dahilan kung bakit hindi niya ma-withdraw ang pera. Pero katulad ng karamihan sa sinasabi niya, kasinungalingan yang “freeze order” na yan. Wala po.

Dahil sa passbook lang ang laman na P81 million. Wala sa bangko.

Paano nangyari yun?

Noong Oktubre 5, 2012, nag file si FLM ng Certificate of Candidacy sa Commission of Elections upang tumakbo bilang Senador sa May 13, 2013 elections. Hindi niya alam na may minimum age requirement pala. Dapat 35 ang isang kandidato sa pagka-Senador pagdating ng June 30, 2013. Eh 33 years old pa lang siya at the time.

Because of this, FLM was disqualified as a nuisance candidate.

Yung P81 million ay hinanda niya bilang “show money” sa Comelec upang patunayan na may financial capacity siya na umikot sa buong bansa at mag-kampanya. Kaya lang, papel lang pala yung laman ng passbooks. Dahil walang pundo. Yung dineposito ni FLM sa kanyang mga accounts ay tumalbog. Nag bounce. Inisyu kasi mula sa isang CLOSED CHECKING account.

Pero kahit nabigo siya sa kanyang ambisyon na tumakbo bilang senador, ginamit pa rin ito ni FLM kung sinisingil ng mga na-utangan niya noon. Pinapakita ito na may naka print sa passbook na P81 million ang pundo. Pinalabas niya na hindi niya ma withdraw dahil nga may “freeze order” daw. Ito daw ay dahil isa siyang Marcos.

Magaling talaga si FLM sa pang budol budol. Pati pa COMELEC binalak niya pang ibudol-budol. Mabuti na lang at na technical siya sa age requirement at hindi natuloy ang kanyang candidacy. Kung nangyari pinayagan siya, marami siguro ang nabudol-budol niya sa paghingi ng campaign funds. Ilang foreigners ang na biktima niya sa ganoong raket. Pero noong mabulgar na disqualified siya hindi na niya ito pinatuloy na raket.

 

Bakit si Coco Martin at Kim Chiu ang nagsalita para sa ABS-CBN?

Sa napakaraming talents ng ABS-CBN dalawa lang sa kanila ang napili ng network upang maging “mouthpiece” at hikayatin ang mga mamamayan na samahan sila sa pagpayahag ng galit laban sa Cease and Desist Order (CDO) ng National Telecommunications Commission (NTC).

By this time, napanood niyo na siguro ang mga video nina Coco Martin (“Cardo Dalisay”) at Kim Chiu sa kanilang madrama na pagpalabas ng masamang damdamin laban sa gobyerno. At sa malaki nilang gulat, naging malupit ang resbak sa kanilang dalawa ng taong bayan, lalo na ang mga OFW. Hindi nila inakala na negative ang reaction ng mga Filipino sa kanila.

Bakit ba sila ang napili ng ABS-CBN? Of course, isang dahilan ay sikat talaga itong dalawa. But there is a deeper reason: si Coco at Kim ang pinaka-bobo sa lahat na mga talent ng ABS-CBN. Mukha lang talaga ang kanilang puhunan. Walang laman ang utak.

Naging katawa-tawa tuloy sila. They suddenly became objects of ridicule. Maraming memes ang ginawa tungkol sa kanila. Kahit ako tawa ng tawa sa mga memes na ito.

Dahil mangmang si Coco at Kim, sila ang sumusunod sa kung ano ang inuutos ng management. Hindi muna nag-iisip. Basta’t may script lang na babasahin, okay na. At pati na script writer, bobo rin. Hindi nila naiintindihan na iba na ngayon ang mga Filipino. Dahil sa social media, mas nakaka-alam na ang karamihan ng katotohanan. Hindi na kontrolado ng ABS-CBN kung anong impormasyon ang maaring malaman ng mga tao.

ABS-CBN’s Gabby Lopez is an American citizen!

Sa ginawang hearing ng Senate Committee on Public Franchises noong Pebrero 24, 2020, may tanong si Senator Ronald “Bato” de la Rosa na nagpayanig sa mga opisyal ng ABS-CBN. Senator Bato confronted the top management of the network about information he obtained that Eugenio “Gabby” Lopez III, who was General Manager in 1987 and became Chairman in 1996, was an American citizen. Sabi ni ABS-CBN chief executive officer Carlo Katigbak, his uncle is a Filipino citizen. Pero halatang namutla si Katigbak sa tanong ni Senator Bato.

Ito po ang YouTube na pinablish ko tungkol diyan.

Mula noon, naging tahimik ang ABS-CBN tungkol sa isyu na ito. Hindi man lang nag pakita ng ebidensya ang network na hindi totoo ang paratang na yan. Hanggang nag expire na lang ang franchise ng network, nakabinbin sa hangin.

Ngayong araw, nagpalabas ang Manila Times newspaper ng part one ng serye na nagsisiwalat na may basehan nga ang sinabi ni Senator Bato — isang Americano is Gabby Lopez noong panahon na umupo siya bilang General Manager at Chairman ng ABS-CBN. It was only in 2004 that he reacquired Filipino citizenship under RA 9225 that granted people with Filipino ancestry who are citizens of other nations to apply for dual citizenship.

Under the Constitution, only Filipinos have the exclusive right to own and manage telecommunications and media corporations. Dapat 100% ang Filipino ownership.

Pinalabas ng Manila Times ang records mula sa Bureau of Immigration kung saan makikita ang paglabas-pasok ni Lopez sa Pilipinas. Labing dalawang pahina ang travel records lahat-lahat. Ito ipapakita ko ang dalawang pahina noong mga taon 1995 to 1996:

1995 to 19961995

Walang kaduda-duda.

Isang US passport holder si Lopez sa taong 1995-1996 habang siya’y Chairman of the Board ng ABS-CBN at isa sa pinaka-malaking stockholders.

May punto nga pala si Solicitor General Jose Calida sa Quo Warranto petition na ihinain sa Supreme Court! ABS-CBN violated the 1987 Constitution that prohibits foreign equity ownership of a media company! Mabigat na kasalanan ito!

Indeed, ABS-CBN doesn’t deserve to have its franchise renewed. It betrayed the country. Traidor sa ating bansa.

Ito ang ebidensya na ina-angkin ni FLM na anak siya ni Dr. Pacifico E. Marcos

Pagkatapos na pinahiya itong si Francis Leo Antonio Marcos ng personal na pahayag ni dating Senador Ferdinand Romualdez “Bongbong” Marcos, Jr. na hindi siya kamag-anak, mabilis na itinanggi ng pambansang budol-budol na meron siyang sinabi na tatay niya si Dr. Pacifico E. Marcos.

Sa kabila ng pinakalat niya na mga videos kung paano siya naging “Marcos”, ipinakita ni FLM kung ano siya kabilis magsinungaling na naman at i-deny ang mga sinabi niya. Huwag na daw idamay ang mga Marcos, lalo na sina dating First Lady Imelda R. Marcos, Senator BBM at incumbent Senator Imee R. Marcos. May mga fanatico din siya na nagsisigawan na wala daw siyang sinabi na anak siya ni Dr. Pacifico E. Marcos.

Pathological liar kasi ang mga budol-budol. Wala nang natira na hiya sa kanila. There is not even an ounce of conscience left in them. Second nature na sa kanila ang pagsinungaling. Walang pag-atubili kung magsinungaling. Nakita ko na ito sa iba pang mga budol-budol. Very convincing sila mag sinungaling kung hindi mo pa alam ang pagkatao nila.

Pero hindi lang po sa salita si FLM through video or audio nahuhuli sa kanyang pekeng pagkatao bilang isang anak ni Dr. Pacifico E. Marcos. Pati sa dokumento huli siya:

Ito po ang e-passport application ni FLM sa Department of Foreign Affairs (DFA). It was filed on November 18, 2011. DFA issued him a new passport on November 21, 2011.

Nilagay ni FLM sa “Father’s Name” ay ang pangalan na “Dr. Pacifico Edraline Marcos”. Wrong spelling nga lang ang “Edralin”. Super bobo kasi. Kahit spelling ng pangalan ng kunwari’y tatay niya may mistake pa.

Documents do not lie, ika nga.

Ito po ay pirmado ni FLM. Hindi niya puwedeng itanggi. Kaya sa mga umi-idolo sa kanya na bumabatikos sa akin dahil wala naman daw sinabi si FLM na tatay niya si Dr. Pacifico E. Marcos, ito po ang ebidensya.

Patayan na daw, sabi ni Cardo Dalisay!

Sobra ang galit ni Cardo Dalisay a.k.a. Coco Martin sa ating gobyerno.

Bakit daw pinasara ang ABS-CBN sa gitna ng pandemia? Paano na lang daw niya papakinin ang pamilya niya? Dahil dito, nanghamon siya na mag patayan na.

 

Sige Cardo! Pamunuan mo ang himagsikan! Magbitbit ka ng armalite at sugudin ang Malakanyang! Handa kang mamatay, di ba? Sobrang bobo ka! Alam mo lang kasi mag basa ng script. Wala kang pinag-iba kay Kim Chiu! Walang laman ang mga utak ninyo!

Ano nga ranko mo sa PNP? Captain ba o Major?

Paano ka naging opisyal eh hindi ka pala marunong mag English? Salbahe ka Coco. Use your “kokote”! Ngayon wala ka nang alam na iba upang mabuhay. Hanggang scripted drama lang kasi ang alam mo.

Puwede mo bang ipaliwanag sa taong bayan kung bakit yumaman ka ng ganyan samantala ang majority ng sambayanan ay mahihirap pa rin? Hindi mo alam yan no?

Kasi you are feeding on the ignorance of the people. You are just treating them to a narcotic called “entertainment” to keep them happy. Wala naman kayong tinulong upang maka-angat ang mga taong ito mula sa kahirapan!

Kaya Cardo Dalisay, tumahimik ka na diyan at enjoy mo na ang masarap mo na buhay. Alam ko naman na plastikan lang yang sinasabi mo na may concern ka sa buhay ng mga mawawalan ng trabaho. Halos lahat Cardo, nawalan ng pangkabuyahan. Next time na bigyan ka ng script, mag consulta ka muna sa marunong!

Francis Leo Marcos: hinubaran kung sino talaga siya

Ang lockdown nitong nakaraang dalawang buwan ay naging pagkataon para sa akin na makapag research tungkol sa maraming issues. Una ay ang tungkol sa ABS-CBN. Pangalawa ang tungkol sa fake ambush ni Kim Chiu. At nitong nakaraang apat na linggo, dito naman ako nag-focus sa big-time budol-budol ni Francis Leo Marcos.

As an investigative journalist, I always make sure that I have the complete facts before I write a blog article or produce a video. Ito ang dahilan kung bakit  medyo natagalan bago ako nagpalabas ng mga video at blog tungkol sa raket ni FLM. Kahit na nakita ko kaagad na scam ang ginagawa niya, nag-gather muna ako ng information. Hindi ako basta-basta nagsasalita kung walang hinahawakan na ebidensya.

During the last week, I was able to reach people who know first-hand the background of FLM from his childhood in Bambang, Bulakan, Bulacan as the original Norman Antonio Mangusin until his sudden appearance on the social media scheme as the “billionaire-philantrophist”.

Galing si FLM sa mahirap na pamilya. Gilbert Mangusin, Sr. ang pangalan ng tatay niya. Walang trabaho. Nanay niya ay si Remedios Antonio. May apat siyang kapatid: Jerome, Gilbert, Jr., Leslie at Aljin. Diyan siya ipinanganak sa Bambang, Bulakan noong Setyembre 29, 1979.

Walang katotohanan ang sinasabi niya na anak siya ni Dr. Pacifico Marcos. At lalong kasinungalingan ang kuwento niya na si dating President Ferdinand E. Marcos ang totoong tatay niya, at kapatid daw niya si Bongbong Marcos.

Labandera ang nanay niya. Ni minsan hindi ito nakapag abroad at pumunta sa Belgium katulad sa pantasya niya kung saan daw siya nabuo sa pagpakig-talikan ni FM at nanay niya.

FLM has  become the national fraud.

Ang kuwento niya na siya ang may hawak ng susi sa kayamanan ng mga Marcos ay fake news to the highest degree. Kung may pera man siya, ito ay galing sa panloloko. At hindi po tumatagal ang pera sa mga kamay niya. Isang adik sa casino itong si FLM, at mabilis din nawawala ang perang nakaw sa sugal.

Kaya lang, may malaking sindikato ang nasa likod niya ngayon. Ito ang dahilan kung bakit siya nakapag-RENT ng bahay sa 73 Swallow, Green Meadows Subdivision, Quezon City. Pang pa-impress yun sa mga tao na talagang super yaman siya. Sa totoo, wala siyang bahay. Umuupa lang yan sa condominium. Pero anyway pinalayas din siya ng Home Owners Association sa Green Meadows.

Panadero po ang totoong profession ni FLM. Nagtrabaho siya sa Cuevas Bakery ng ilang taon bago ito umalis ng bansa patungong Middle East in search of greener pastures.  Pizza-making ang naging specialty niya. At donuts. Pero pagkaraan ng anim na taon, nag decide si FLM na tumigil na bilang isang OFW. Gusto niya talaga maging mayaman. Sa isip niya, iba ang paraan upang marating niya ang kanyang panaginip: pang budol budol.

Ilalahad ko ang mga natuklasan ko dito sa aking WordPress blog at sa YouTube channel ko. Puwede nga itong gawin na libro. Isisiwalat ko ang “career” ni Norman Antonio bilang isang con artist.

Scammer na, ECQ violator pa!

Halos dalawang buwan na mula ng ipinatupad itong enhanced community quarantine o ECQ sa Metro Manila at kabuohang Luzon.

At isa sa mga mahigpit na mga hakbang na itinalaga sa pag-implement ng ECQ ay ang curfew. Pinagbabawalan ang paglabas sa gabi hanggang madaling araw habang nasa ilalim tayo ng ECQ.

Ngunit pinagyayabang nitong si Norman Mangusin alias Francis Leo Marcos na gumala ito kasama ang ilang mga kaibigan during curfew hours noong May 5 or 6, 2020.

Pumunta ito sa Taytay, Rizal at namigay ng relief goods — gulay daw at buhay na manok — sa ilang mga residente sa oras ng curfew

Binati pa nito ang ilang mga pulis sa lugar. May mga bodyguard pa. At kasama niya si Konsehal Pia Cabral.

Sa video na ipinalabas ni FLM makikita na may face mask ito pagdating sa lugar.

Subalit hindi tumagal at tinanggal niya ito noong mag umpisa ng umikot sa lugar.

flm without face mask 4

Makikita na walang social distancing ang kanyang grupo.

Pinalabas ang mga tao sa lansangan DURING THE CURFEW. Dikit dikit din ang mga tao na nag-aabang ng tulong.

MGA CLEAR VIOLATIONS OF THE ECQ GUIDELINES.

Panoorin niyo po itong video:

 

Kaya magtatanong po ako sa Inter Agency Task Force sa Covid 19.

Exempted ba itong scammer na si Francis Leo Marcos sa mga istriktong panuntunan kaugnay sa pagpatupad ng ECQ sa Metro Manila at buong Luzon?

Bakit hindi siya hinuli ng mga police officers na nakasalubong niya?

Inaresto nga si dating Senador Jinggoy Estrada dahil namimigay lang ng tulong na walang permit mula sa IATF at LGU ng San Juan City.

Over 100,000 violators of the curfew have also been arrested.

Francis Leo Marcos is making a mockery of our ECQ measures.

Ini-insulto niya ang ating gobyerno lalo na si Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Maitanong ko na rin kay DILG Secretary Eduardo Ano,

Sir, itong si konsehal Pia Cabral may pahintulot ba na makapag sagawa ng relief distribution during curfew hours?

Bakit siya nag violate ng curfew?

Sobra ba talaga ang lakas nitong si FLM at kahit sinong kasama niya ay exempted na rin?

THIS IS A SLAP ON THE FACE OF GOVERNMENT.

Gusto po naman marinig ang mga sagot sa mga tanong na ito.

Ang nakakalungkot ay marami na ang naging biktima nitong si Francis Leo Marcos sa kanyang pang budol budol sa kasagsagan ng Covid 19 pandemic.

Pinagmumukhang tanga niya ang ating mga otoridad na hindi man lang maka kilos upang tulongan ang mga biktima ng kanyang mga scam.

Habang lahat ay nakatutok sa Covid 19 pandemic, libreng libre si Francis Leo Marcos sa ginagawang budol-budol sa milyon-milyong filipino.

Katulad na rin ng isang makakamatay na virus itong ginagawa ni FLM.

Hindi nga makamamatay pero ubos ang pera ng kanyang mga biktima.

Pinapalabas ni FLM na inutile ang gobyerno.

Pina summon ng NBI si Mayor Vico Sotto dahil sa ECQ violations.

Ganun din sa kaso ni Senator Koko Pimentel.

Pero itong si FLM, pinapabayaan lang.

How can the IATF justify its strict enforcement of the ECQ guidelines when these are being violated, in full view of millions of his blind followers, with a feeling of impunity.

Kung big time scammer ay makakalusot, bakit hindi na lang natin payagan ang lahat na lumabas kahit anong oras na gusto nila?

Ngunit sigurado ako na hindi ito tino-tolerate ng IATF.

Kaya hinihiling ko po sa National Bureau of Investigation.

Padalhan niyo rin ng summons itong si Francis Leo Marcos.

Ang address niya po ay Le Grande Towers sa Eastwood, Quezon City.

Papuntahin niyo diyan sa NBI upang magpaliwanag.

Ganun din po si Konsehal Pia Cabral.

If we want this ECQ to succeed, government must demonstrate that its policies are enforced evenly and equally, without fear or favor.

 

Panadero to Bilyonaryo? Ang pekeng kasaysayan ni Francis Leo Marcos (Part 2)

Ang pagpanggap ni Norman Mangusin bilang si “Francis Leo Marcos” ay nakarating sa kaalaman ni dating Unang Ginang Imelda Romualdez Marcos noong nakaraang buwan pa ng Hulyo 2019. Marami na kasi ang lumalabas sa social media na mga larawan ni Mangusin kasama si Mrs. Marcos at ginagamit ito upang mahulog ang loob ng kanyang mga biktima na talagang kamag-anak siya.

Dalawa ang modus operandi ni Mangusin. Nilalapitan niya ang mga negosyanteng Filipino-Chinese at alukan ng fake gold car sa mababang halaga. Meron pala siyang Gold Certificate mula sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) para sa isang tunay na gold bar kung saan makikita ang serial number. Ito ay patunay na genuine ang bareta ng ginto na naka rehistro sa pangalan ni alias FLM.

Talagang nagpuhunan siya upang makabili ng isang genuine gold bar. Subalit ang benebenta niya sa kanyang mga biktima ay peke. Nakabalot lang sa kulay na ginto ang bakal.

Ang pangalawang modus operandi niya ay ang pagsagawa ng “optical mission” kung saan namimigay siya ng mumurahing salamin o eyeglasses sa mga mahihirap sa ibat-ibang bahagi ng bansa. Humihingi siya ng donasyon mula sa mga Chinese businessmen na may balak mag negosyo sa Pilipinas. Siyempre, dahil Marcos ang apilyido niya, naniniwala sila na makakatulong ito upang makapasok dito.

Maliban pa diyan, sumisingil si FLM ng “testing fee” na P300 bawat pasyente. Para daw ito sa pagsuri ng optometrist kung ano ang grado na kailangan sa bawat pasyente. Ang problema, peke din ang eye examination. Nakasuot lang ng puting jacket ang kunwari optometrist. Pagkatapos ang salamin na binibigay ay hindi angkop sa grado ng pasyente. Natuklasan na mumurahing salamin ito na nabibili sa Divisoria sa halagang P50 bawat isa lang.

Ito ang naging buhay ni FLM mula pa noong 2001 pagbalik niya mula sa Saudi. Umikot siya sa Mindanao kung saan marami ang naging biktima niya. At habang doon, biniyaran niya ang isang Judge sa Gen. Santos na palitan ang pangalan niya. Hindi na siya sa Norman Mangusin. Isang Marcos na siya kaagad: Francis Leo Antonio Marcos.