Advertisements

May panagotan daw si Teddy Boy, sabi ni Kiko

Dumepensa si Senador Kiko Pangilinan sa bise presidente sa pagtawag sa kanya na “boba” ni DFA Secretary Teddy Boy Locsin o TBL. Paglabag daw ito sa RA 6713, o yung Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees. Hindi raw karapatdapat na tawagin ni TBL na “boba” si Madam Leni Robredo. Bakit ano ba ang masama doon?

Totoo naman ang sinabi ni TBL, di ba?

Kung ako kay Kiko at ang natitirang kasamahan nito sa hanay ng mga dilawan, sikapin nila na turuan si Madam Leni kung ano ang nakarapatdapat na sabihin sa araw-araw na pagsilbi nito bilang bise presidente.

Napakaraming palpak sa mga pahayag at kilos ni Madam Leni. Mabait na nga si TBL sa pagtawag nito na “boba” ang pekeng VP.

Ang violation ng RA 6713 ay puwedeng kasohan sa Civil Service Commission o sa Office of the Ombudsman.

Mamili na lang si Kiko kung saan niya isasampa ang kaso.

Marami pa ang papalakpak kay TBL at sisigaw sa saya pag mangyari yan.

Advertisements

Carpio-Morales, del Rosario mga bagong “star” players sa destab campaign

Wala na talaga ang mga dilawan. Hindi nagtagumpay ang mga pakulo ni Antonio Trillanes kasama na ang mga “Bicoy” tapes. Lalong lumakas pa ang popular support para kay Pangulong Duterte. Talo si Gary Alejano. Talo si Mar Roxas. Talo si Bam Aquino. Kung sa wikang Ingles, “repudiated” sila.

Pero hindi pa rin sumusuko ang mga dilawan. Dahil ubos na ang kanilang “mythical first five”, kinailangan nilang hila-in galing sa kanilang retirement sina dating Ombudsman Conchita Carpio-Morales at dating DFA Secretary Albert del Rosario at palaruin sa championship game.

Napakalinaw ang game plan nila: patuloy ang paninira laban kay Pangulong Duterte sa kanilang panaginip na mapipilitan itong mag resign o hindi kaya ay patalsikin ng mamayang Filipino sa galit.

Paano sila makakakuha ng suporta ng taumbayan? Eh kitang-kita na puro kasinungalingan ang kanilang sandata. Zero credibility. Tapos ngayon mga retiradong tao pa ang pinapalaro. Maayo naman kayo kina Carpio-Morales at del Rosario. Mahihina ang mga tuhod nila.

May gamot ba sa BOBA katulad ni Leni?

Masakit pakinggan pero totoo.

Binuksan lang ni pekeng VP Leni ang katotohanan na BOBA talaga siya ng mag-warning na huwag daw ikansela ang diplomatic passport ni dating DFA Secretary Alberto del Rosario.

Sa kanyang Twitter post, brutal na brutal ang reaksyon ni DFA Secretary Teddy Boy Locsin nang tinawag niya na BOBA si Leni.

Ito ang Tweet ni @teddyboylocsin:

Robredo warns against cancellation of diplomatic passports of former gov’t officials HEY, BOBA, THAT IS PRECISELY WHY I HAVE ORDERED THE CANCELLATION OF ALL COURTESY DIPLOMATIC PASSPORTS BECAUSE I REFUSE TO SINGLE OUT DEL ROSARIO

Sa totoo lang, matagal nang alam ng bayan ang kabobohan ni Leni.

Each time magsalita siya, palaging fumble play kung sa larong basketball pa.

Talagang walang alam.

Ang sa masamang palad, walang gamot para sa boba katulad ni Leni.

Nakakatakot isipin na she is just one heartbeat away from the Presidency.

Oo kitang-kita sa mga kilos at salita ni Leni na atat na atat siyang mapa-alis sa puwesto si Pangulong Duterte at aakyan siya sa pagka Pangulo by succession.

O Diyos ko, huwag niyo naman pong parusahan ang Pilipinas.

It’s bad enough that she is the reigning VP.

Disaster po ang mangyayari pag naging Pangulo yan.

Bakit ang tagal ng recount sa VP race

Nakakainip na itong manual recount na ginagawa ng Presidential Electoral Tribunal sa protesta na ini-akyat ni dating Senador Ferdinand “BongBong” Marcos, Jr. laban sa pagproclaim kay Leni Robredo bilang winner sa eleksyon sa pagka Bise Presidente.

Sa mga balita na dumarating sa publiko, tapos na ang “revision” o mano-mano na pagbasa ng mga balota sa tatlong pilot provinces na Camarines Sur, Iloilo at Negros Oriental.

Mahirap maunawaan ang delay sa pag resolba sa kasong ito. Unfair sa kay Robredo. Unfair sa kay BBM. Unfair sa taumbayan. Wala pong justification ang patuloy na delay sa recount.

Bawat kampo ay nagsasabi na ang kandidato nila ang nanalo.

Wala nang ibang makakasabi ng katotohanan kondi ang PET na pinamumuno-an ni Justice Benjamin Caguioa.

Mga sir, maawa na po kayo sa amin.

Hindi na namin matiis ang suspense.

Eh kung si Leni nga ang nanalo, di siya na!

Pero kailan malinaw ang pagkasabi upang mabura ang anumang pandududa.

Mali ba ang pagpasara ni Pangulong Duterte sa KAPA?

May kaibigan ako nagsabi na dahil sa pagpa-raid sa mga opisina na Kapa sa utos ni Pangulong Duterte, binigyan lang ng alibi si Pastor Apolinario na hindi na maibalik ang napakalaking halaga ng pera na nakolekta sa maparaan ng donasyon.

Tama at mali.

Oo ngayon may dahilan na si Apolinario na hindi niya maibabalik ang pera na sa estimate ng Securities and Exchange Commission ay maaring aabot sa P50 bilyones. Pero sigurado akong talagang wala nang pag-asa na mababawi pa ng mga members ang kanilang pera. Nag evaporate na yun at napunta sa pribadong account.

At the same time, tama yung ginawa na pagpasara dahil ito lang ang pamaraan na mahinto ang illegal operations ng Kapa at maligtas ang marami pang iba sa kapahamakan. Ilan pa kaya ang naloko na Kapa kung hanggang ngayon ay patuloy ang operasyon nito?

Kung sa wikang Ingles pa, we have to bite the bullet upang maiwasan ang mas malobhang problema.

Biyaya ba talaga???

Marami na rin ang tumetestigo na malaki ang nakuha nilang tulong galing sa Kapa Community Ministry International, Inc. na ipinundar ni Pastor Joel Apolinario. Pero hindi nila alam na ganyan talaga ang pag-operate ng Ponzi modus sa panloloko sa tao. Sa umpisa, binibigyan ng malalaking interest o guaranteed return on investment upang kumalat ang balita tungkol sa kabutihan ng isang grupo katulad ng Kapa. Dahil diyan, yung mga nakatanggap ng “biyaya” ay sila na rin ang umaakit sa mga kaibigan at mga kamag-anak. Hindi yan bago ang style.

Bakit hawak pa ni Del Rosario ang diplomatic passport?

Teka, teka.

Matagal nang hindi Foreign Affairs Secretary itong si Alberto del Rosario, di ba?

Bakit hawak-hawak niya pa ang kanyang diplomatic passport? Sa pagka-alam ko, entitled siya sa diplomatic passport habang nasa serbisyo siya bilang DFA secretary. Dapat yan sinasa-uli sa gobyerno pagkatapos ng kanyang panunungkulan bilang DFA secretary. Kung baga sa driver’s license, expired na yan.

At wala namang kaugnayan sa gobyerno ang kanyang pagpunta sa Hongkong. Hindi lamang mga diplomats ang binibigyan ng diplomatic passports. Pati na rin ang mga matataas na opisyal ng national government. Ito po ay privilege upang hindi sila kailangan dumaan pa sa mahahabang pila sa immigration pagdating sa isang bansa.

Sobrang abuso na talaga itong mga dilawan.

Del Rosario