Advertisements

Isko Moreno for President?

Wala pang dalawang linggo si Isko Moreno bilang alkalde ng Maynila pero uma-ani na ito ng napakaraming papuri dahil sa paglinis niya sa lungsod at pag-ayos ng mga problema na matagal nang nakikita sa paligid.

Kaya hindi nakakagulat na ngayon pa lang, may mga nagpupuna na isang “presidential material” si Mayor Moreno para sa bansa sa 2022 national elections.

Pinapakita ni Mayor Moreno ang tinatawag na “political will”, ang pagtugis ng mga desisyon at hakbang na hindi nababahala kung ano man ang resbak nito galing sa mga taong apektado.

Sa napakatagal na panahon, parang naging imposible na ma-clear out ang mga lansangan sa Maynila, lalo na diyan sa Quiapo area. Naging madumi ang lungsod. Masikip ang mga lansangan na halos hindi na mada-anan ng sasakyan.

Pero sa unang araw pa lang ni Isko bilang Mayor, naipakita niya na puwede pa lang gawin ang paglinis ng Maynila at isalagay sa maayos na kalagayan ang mga street vendors upang hindi sila makaka-obstruct sa traffic.

Malayo pa ang 2022. Kung ma sustain ito ni Isko, hindi malayo na makakarinig tayo ng mas maraming paghimuk galing sa taumbayan na tumakbo siya bilang Pangulo. Kailangan lang ni Mayor Isko ang “endurance” at “sustainability” upang hindi ma diskarel ang kanyang mga programa.

 

Advertisements

Adios na, Trillanes

Umpisa tanghali ngayon araw, Hunyo 30, 2019, matatapos na rin ang pag-upo ni Antonio Trillanes IV bilang Senador ng Pilipinas. Milyon-milyong mga Pinoy ay pumapalakpak at nasisiya dahil sa wakas, wala na sa puwesto itong pesteng coup plotter na walang ginawa kondi lumikha ng kagulohan. Masayang-masaya ang mga tao. Walang nanghihinayang sa pag-exit ni Trillanes sa gobyerno.

Ang yabang kasi ng taong ito. Akala mo siya lang ang marunong. Na siya lang ang may kakayahan. Pero sa totoo, walang mabuting ginawa si Trillanes. At sa katapusan, kasama siya sa pag-reject ng taumbayan sa mga dilawan. Ang pagkatalo ng Otso Diretso sa May 13, 2019 elections ay patunay na walang suporta ang mga katulad ni Trillanes.

Ngayon na wala na sa puwesto si Trillanes, tignan natin kung hanggang saan ang yabang niya. Sigurado ako na uunsad ang mga kaso laban sa kanya. At dapat ipatawag siya sa Senado upang imbestigahan tungkol sa mga destabilization plot na iginuhit niya at nga mga dilawan.

Adios, Trillanes! Sa bilangguan na sana ang punta mo!

PHILIPPINES-POLITICS-CRIME-RIGHTS-TRILLANES

This photo taken on September 13, 2017 shows Philippine Senator Antonio gesturing during an interview at his office in the Senate building in Manila. After launching his political career from a jail cell, Philippine Senator Antonio Trillanes believes it could end in a grave thanks to a relentless campaign against his “hitman” president. / AFP PHOTO / NOEL CELIS (Photo credit should read NOEL CELIS/AFP/Getty Images)

Ano daw? Destiny?

Pinatunayan lang ni Madam Leni Robredo, ang temporary occupant sa tanggapan ng Pangalawang Pangulo ng Pilipinas, na BOBA siya ng sinabi sa media na bukas daw sa kanya ang posibilidad na tumakbo bilang Pangulo ng Pilipinas sa 2022.

 

leni robredo credit inquirer nino jesus orbeta

Photo credit: Philippine Daily Inquirer

Hanggang ngayon ba may illusion pa si Madam Leni na may pag-asa siyang manalo bilang Pangulo ng Pilipinas?Anoooo?

Hindi pa ba sapat ang ZERO performance ng Liberal Party sa pinakahuling national elections? Wala kahit isa ang nakapasok sa winning circle na 12. Kahit ang kandidato ng LP sa pagka Pangulo noong 2016 — si Mar Roxas — ay hindi nga nakalusot sa kabila ng napakalaking gastos sa media advertisements.

Sinasabi ni Madam Leni na naniniwala siya sa DESTINY.

Wala naman daw siyang balak na tumakbo bilang congresswoman ng 3rd District ng Camarines Sur noong 2013. Nag back out lang sa last minute ang kandidato ng LP, kaya daw siya napilitan na tumakbo. Nanalo nga siya, marahil dahil wala pa isang taon pa lang mula nang namatay ang asawa niyang si Jesse.

Alam ng buong bansa na hindi nanalo si Madam Leni sa pagka Bise. Na PCOS lang niya ang resulta sa tulong ni dating COMELEC chairman Andres Bautista. (Ano na nga ba ang nangyari sa kaso ni Bautista?)

Libre ang mangarap, Madam Leni.

Pero nakakabaliw na yan na pangarap ang sa iyo.

Malayong-malayo ka na manalo bilang Pangulo. You are so very unpopular sa mga Filipino. Isa rin ikaw sa dahilan kung bakit ni isa, walang nanalo sa LP sa May 13, 2019 elections. Mas makakabuti yan sa iyo na ipasok mo yan sa kokote mo. Sa sinabi mong yan, mukhang tama talaga si DFA Secretary Teddy Boy Locsin na BOBA ka.

Liberal Party, tinalo ng apo ng Katipunero sa Capiz

Si Esteban Evan Contreras, na naging Bise Gobernador ng Capiz mula noong 2010, ay apo ng Katipunerong kapareho ang pangalan, si Heneral Esteban Contreras (1864-1904). Pagkatapos na pinangakuan siya noong 2016 na magbigay-daan kay Antonio del Rosario Noong nakaraang 2016 na eleksyon, pumayag siyang manatili lamang sa pagtakbo bilang Bise Gobernador dahil sa paki-usap ni Mar Roxas. Tatakbo na sana siya bilang Gobernador sa 2016 na halalan. Pinangakuan siya na “one term” lang si Antonio del Rosario, at sa 2019, siya na ang itutulak ng Liberal Party bilang kandidato nito sa pagka Gobernador.

Subalit yun pala ay pangako na napako. Kaya noong kinausap ulit siya ng LP na ibigay na lang muli kay Del Rosario ang puwesto, nagpasya si Contreras na hindi na siya aatras pa. Kahit na mahirap ang laban, itinuloy ang kanyang pagtakbo. Katulad ng lolo niyang Katipunero, hindi natakot si Contreras sa pera at “party machinery” ng LP sa Capiz.

At nanalo siya.

Ito ang Part One ng kanyang kuwento:

Survival mode na ang Liberal Party

Hanggang 2016, o tatlong taon lang ang nakaraan, tinuturing pa na superpower political party ang Liberal Party ni pinamunuan nina dating Pangulong Benigno Simeon “Noynoy” Aquino III, dating Senador Mar Roxas at Senador Franklin Drilon.

Ngunit ngayon, parang pulubi na ang Liberal Party na naglilimos na lang para makahanap ng silungan sa House of Representatives. Ibinalita ng Philippine Daily Inquirer na balak ngayon ng LP sa sumali sa grupo ni Leyte Rep. Martin Romualdez sa laban para sa Speakership.

Bakit hindi pinapanindigan ng LP ang prinsipyo nito bilang opposition party? Di ba magsalungat ang “core principles” ng partido ng mga dilawan sa mga policy ng Duterte administration?

Napakalinaw na “survival mode” na ang LP ngayon. Ini-isip na lang nito ang pansariling kapakanan ng mga miyembro at ibinasura na ang party principles. Nabibisto na ang LP na kahit noong panahon pa ni Pinoy, at wala na talagang prinsipyo ang mga miyembro, kaya nga napuno ng mga katiwalian ang Aquino administration.

Isa lang ang pakay nila: makisali sa majority bloc at maka-angkin din ang mga miyembre ng malaking parte sa pundo para sa mga proyekto.

Sayang.

Dati napakataas ang respeto ko sa LP. Saludong-saludo ako sa mga dating lider nito katulad ni Senador Jovy Salonga. Giniba ang partido ng mga lider mismo na sina Aquino, Roxas at Drilon.

Nakakahiya ang mga taong ito.

May panagotan daw si Teddy Boy, sabi ni Kiko

Dumepensa si Senador Kiko Pangilinan sa bise presidente sa pagtawag sa kanya na “boba” ni DFA Secretary Teddy Boy Locsin o TBL. Paglabag daw ito sa RA 6713, o yung Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees. Hindi raw karapatdapat na tawagin ni TBL na “boba” si Madam Leni Robredo. Bakit ano ba ang masama doon?

Totoo naman ang sinabi ni TBL, di ba?

Kung ako kay Kiko at ang natitirang kasamahan nito sa hanay ng mga dilawan, sikapin nila na turuan si Madam Leni kung ano ang nakarapatdapat na sabihin sa araw-araw na pagsilbi nito bilang bise presidente.

Napakaraming palpak sa mga pahayag at kilos ni Madam Leni. Mabait na nga si TBL sa pagtawag nito na “boba” ang pekeng VP.

Ang violation ng RA 6713 ay puwedeng kasohan sa Civil Service Commission o sa Office of the Ombudsman.

Mamili na lang si Kiko kung saan niya isasampa ang kaso.

Marami pa ang papalakpak kay TBL at sisigaw sa saya pag mangyari yan.

Carpio-Morales, del Rosario mga bagong “star” players sa destab campaign

Wala na talaga ang mga dilawan. Hindi nagtagumpay ang mga pakulo ni Antonio Trillanes kasama na ang mga “Bicoy” tapes. Lalong lumakas pa ang popular support para kay Pangulong Duterte. Talo si Gary Alejano. Talo si Mar Roxas. Talo si Bam Aquino. Kung sa wikang Ingles, “repudiated” sila.

Pero hindi pa rin sumusuko ang mga dilawan. Dahil ubos na ang kanilang “mythical first five”, kinailangan nilang hila-in galing sa kanilang retirement sina dating Ombudsman Conchita Carpio-Morales at dating DFA Secretary Albert del Rosario at palaruin sa championship game.

Napakalinaw ang game plan nila: patuloy ang paninira laban kay Pangulong Duterte sa kanilang panaginip na mapipilitan itong mag resign o hindi kaya ay patalsikin ng mamayang Filipino sa galit.

Paano sila makakakuha ng suporta ng taumbayan? Eh kitang-kita na puro kasinungalingan ang kanilang sandata. Zero credibility. Tapos ngayon mga retiradong tao pa ang pinapalaro. Maayo naman kayo kina Carpio-Morales at del Rosario. Mahihina ang mga tuhod nila.