Bias ng Rappler nahalata na naman sa pagdating ng Astra Zeneca vaccine


Ang biased reporting ng Rappler ay nagsabi na na-antala daw ang welcome ceremonies para sa Astra Zeneca Covax vaccine kagabi dahil “late” daw si Pangulong Duterte ng dalawang oras. Lumapag ang eroplanong lulan ang 487,000 doses ng bakuna alas siyete y medya ng gabi. Dumating si Pangulong Duterte alas nuebe y medya.

Mahahalata ang malisya sa pagsisiwalat ng Rappler.

Binigyan ng emphasis na dalawang oras na mula nang lumapag ang eroplano bago nakarating si Tatay Digong. As if sadyang pinahintay ito ng Pangulo. Yung tipong pabandying-bandying pa siya bago pumunta sa appointment.

Alam po natin kung ano ka-abala ang schedule ng Pangulo ng Pilipinas. Halos walang hinto ang mga meeting at mga events na kailangan niyang daluhan. At kahapon ng hapon, pumunta si Pangulong Duterte sa symbolic inauguration ng ilang school buildings sa Valenzuela City.

Hindi naman na-antala ang delivery ng Covax sa mga lugar kung saan ito gagamitin. Dumeretso pa muna ito sa cold-storage facility upang ihanda para sa distribution. At hindi kaagad-agad naibaba ang vaccine crates dahil may mga proceso pa ito. Nakita nga naman natin yan noong dumating ang Sinovac galing sa China. Nag park muna ang eroplano at binuksan ang likod na pintuan bago dumating si Tatay Digong.

Pero binigyan ito ng masamang kahulugan ng Rappler. Talagang biased.

Eh, na-alaala ko tuloy ang nangyari noong dumating sa Villamor Air Base ang mga labi ng mga sundalo ng Special Action Force na namatay sa Mamasapano massacre. Hindi sumipot doon si dating Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III. Mas minabuti niyang dumalo sa inauguration ng Mitsubishi manufacturing plant sa Sta. Rosa, Laguna.

Ngayon na nadagdagan na ang bakuna para sa bansa, lalong lalakas na ang kakayahan ng ating gobyerno na masugpo ang Covid 19. At sa nabanggit ko sa isang blog, ito ngayon ang kinakatakutan ng mga dilawan. Pag nagtagumpay ang gobyerno sa away na ito, siguradong mapupulbos na ang mga dilawan, kasama ang Makabayan bloc, sa 2022 elections.

About Manuel "Boy" Mejorada
Manuel "Boy" Mejorada is a journalist and social media activist. A former Iloilo provincial administrator, he is now waging a crusade against corruption and narco-politics.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

<span>%d</span> bloggers like this: