Tatay Digong, please, tabangan mo ang Capiz


SANA PO MAKARATING ITO KAY PANGULONG DUTERTE.

Mahal na Pangulo:

Nagkakagulo na po ngayon sa lungsod ng Roxas at lalawigan ng Capiz dahil libo-libong mga tao na namuhunan sa “double your money” scam ay hindi nakakatanggap ng kanilang pera kahit na dumating ang nakatakdang araw para sa kanilang “pay-out” nitong nakaraang isang linggo.

Marami po sa kanila ay mga ordinaryong Filipino — magsasaka, mangingisda, tricycle driver, vendor sa palengke, mga public school teachers, retired government employees. Pinangarap nilang magkaroon ng mas magandang buhay sa pamagitan ng “get rich quick” scam na walang pagkaiba sa Kapa Community Ministry International na ipinasara niyo noong nakaraang taon.

Ang scam ay inoperate ni Patrocenio Calvez Chiyuto, Jr. mula pa noong September 2019 at mabilis kumalat sa mga bayan ng Capiz. Nakarating pa nga ito sa lalawigan ng Iloilo, Aklan at Guimaras. Isang Ponzi scheme ang negosyong ito. Noong malaman ito ng Securities and Exchange Commission (SEC), nagpalabas ang ahensya ng ADVISORY o babala sa publiko noong Agosto 18, 2020 na hindi rehistrado at negosyo ni Chiyuto sa ilalim ng pangalan na Chiyuto Creative Wealth Document Facilitation Services. Walang kaukulang secondary license na mag alok at mag tinda ng investment products.

Maliban pa diyan, nag operate ang double your money scam ni Chiyuto sa Barangay Cagay, Roxas City sa loob na ng isang taon at apat na buwan kahit hindi ito na bigyan ng Business Permit mula sa tanggapan ng City Mayor ng Roxas City, si Ronnie Dadivas. Ang hawak-hawak ni Chiyuto na Business Permit ay galing sa Las Pinas City LGU.

Sa kabila ng napakaliwanag na paglabag sa batas ni Chiyuto, nag operate ito na walang pagsita o hadlang mula sa mga otoridad sa Capiz. Pati na rin po ang mga kapulisan, naging protektor pa ni Chiyuto. Biglang yaman halos lahat na opisyal ng PNP sa Capiz. Ganun din po ang mga mayor.

CORRUPTION HAS SWALLOWED ROXAS CITY AND CAPIZ, Mr. President, and these officials turned their backs on their own constituents in letting Chiyuto operate with impunity.

Ngayon po ay tinakbuhan na ni Chiyuto ang mga investors. Hindi pa rin kumikilos ang mga otoridad sa Capiz. Tahimik lamang sila habang dumarami at dumarami ang mga investors na nagrereklamo dahil hindi na-ibigay ang nakatakdang “pay-out” nitong nakaraang pitong (7) araw. Ang daming dahilan na si Chiyuto. Una nag “holiday” dahil kailangan daw niyang ayusin ang mga papeles niya. Bumalik ang operation noong Biyernes pero ang mga VIP lamang — mga PNP officers at mga local officials — ang nakatanggap ng pay-out. Ang mga ordinaryong investors ay nagpila ng ilang oras, subalit umuwi na lang na malungkot dahil hindi sila kasama sa pay-out.

Mahal na Pangulo, napakalaki po ang scam na ito.

Ayon sa mga sources ko, maaring umabot sa dalawang bilyong piso (P2 billion) ang natangay ng scammer na ito. The economy of Capiz is in grave danger. Kawawa po ang mga maliliit na tao na mawawasak ang buhay dahil sa pangako sa kasinungalingan na double your money.

Nagmamaka-awa po ako, kasama ang ilan pang taga Capiz, na ipa-investigate po itong nangyayari diyan sa Capiz at papanagutin ang mga opisyal sa LGU at PNP sa kanilang kapabayaan. At the least these officials are guilty of GROSS NEGLECT OF DUTY. They have blood in their hands.

Maraming salamat po, mahal na Pangulo.

About Manuel "Boy" Mejorada
Manuel "Boy" Mejorada is a journalist and social media activist. A former Iloilo provincial administrator, he is now waging a crusade against corruption and narco-politics.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: