Forever na si FLM mabibilanggo!


Sa kabila ng paulit-ulit na fake news ng kampo ni Norman Antonio Mangusin a.k.a. Francis Leo Marcos na lalabas na ito ng bilangguan, lumilinaw na ngayon na wala na talagang siyang pag-asa na makapagpiyansa at maangkin ang tinatawag na provisional liberty habang nililitis ang kanyang kaso.

Ngayong araw ay ginugunita natin ang ika-pitong buwan ni Mangusin sa loob ng Manila City Jail dahil sa six counts of qualified human trafficking. Kung matandaan, inaresto si Mangusin ng mga agents ng National Bureau of Investigation (NBI) sa penthouse ng Le Grande Tower sa Eastwood noong umaga ng May 19, 2020.

Gamit ng NBI ang isang warrant of arrest para sa kasong violation of the Philippine Optometry Law laban kay Francis Leo Marcos sa paghuli sa kanya. Pagdating sa NBI, ginawa ng NBI ang isang fingerprint match ni FLM at ni Mangusin na siyang nakapangalan sa kasong qualified human trafficking. Lumabas sa fingerprint match na si FLM at Mangusin ay isa at isang tao lamang.

Nitong nakaraang linggo lang, ibinasura ng Manila Regional Trial Court sa pangalawang pagkakataon ang petition for bail ni Mangusin. Hindi siya pinayagan ng hukoman na makapagpiyansa. Ibig sabihin, mananatili siya sa loob ng MCJ habang nililitis ang kanyang kaso na sigurado aabot ng mahigit dalawang taon. Samantala, nag file ang NBI at CIDG ng mga karagdagang kaso criminal laban kay Mangusin. Lahat ay non-bailable.

About Manuel "Boy" Mejorada
Manuel "Boy" Mejorada is a journalist and social media activist. A former Iloilo provincial administrator, he is now waging a crusade against corruption and narco-politics.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: