Hayop ang ugali ng mga FLM defenders


Kawawa ang isang biktima sa human trafficking na kinasangkotan ni Norman Mangusin noong 2006. Dahil sa kanyang katapangan na tumestigo sa harap ng Manila Regional Trial Court sa six counts ng qualified human trafficking, ibinulgar ng sekretarya ni Mangusin na si Yhama de la Cruz-Tan ang kanyang pangalan sa social media at tinatawag na “pok-pok” (prostitute). Binatikos ang biktima at minura. Galit ang itong sekretarya dahil sa kanyang pag-testify sa korte, napigilan ng biktima na pagbigyan ang hinihiling ni Mangusin na makapag piyansa at maka-angkin ng pansamantalang kalayaan. His PETITION FOR BAIL insofar as this one victim was concerned was DENIED.

Nauunawaan ko kung bakit galit si Yhama at mga supporters ni Mangusin na patuloy nilang tinatawag na si GAT FRANCIS LEO MARCOS. Subalit hindi tama itong ginawa nila na ibinulgar ang pangalan ng biktima, at ipinahiya pa sa publiko gamit ang social media. Halata sa kanilang ugali na hindi sila naniniwala sa Diyos at hindi ginagalang ang justice system.

Pilit nilang sinasabi na nagsinungaling daw ang biktima. Hindi daw si idol nila ang gumawa noon. Eh ano naman ang motibo ng biktima upang ituro itong si Mangusin? Nangyari ito labing-apat na taon na ang nakaraan. Hindi pa isinilang si Francis Leo Marcos noon. It was only in 2007 that FLM was born. Noong malaman ni Mangusin na may non-bailable case laban sa kanya, nagpalit ng pangalan at dinala ang apilyedong Marcos upang hindi siya pagdudahan na siya si Mangusin.

Kagaya ng sinabi ng biktima, napakapait ang naging karanasan niya at mga kasamahan nito sa Cyprus kung saan pilit silang pinagpatrabaho bilang commercial sex workers. Ni-recruit sila ni Mangusin na magtrabaho daw sa restaurant bilang waitress. Pero pagdating doon, prostitution den pala ang pinagpasukan sa kanila. SEX TRAFFICKING.

Ugaling hayop talaga itong sina Yhama. Walang pinag-aralan. Hindi sumusunod sa mga utos ng Panginoong Diyos. UNCHRISTIAN.

At hindi lang yun.

Pati ang Hukom ng Manila Regional Trial Court na si Honorable Marlina Manuel ay binatikos rin nila. Walang pigil na pang-insulto. Nagpakita ng CONTEMPT OF COURT. Hindi ginagalang ang Korte. Pagnakaring ito kay Judge Manuel, baka pa ipakulong itong sa Yhama at mga kasamahan niya sa pang babatikos kay Judge Manuel.

About Manuel "Boy" Mejorada
Manuel "Boy" Mejorada is a journalist and social media activist. A former Iloilo provincial administrator, he is now waging a crusade against corruption and narco-politics.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: