Wow, step-up ang ABS-CBN sa propaganda campaign
August 28, 2020 Leave a comment
With its announcement that its regional stations will be closing shop at the end of broadcast operations today, ABS-CBN is doing a “fast and furious” effort with its propaganda campaign to gain public sympathy.
Ngayon hapon, nag press conference ang Bayan Muna kung saan inulit na naman ng mga nasa kaliwa na hindi daw napapanahon ang pagsara ng Kapamilya network dahil sa pandemya. Kailangan daw may trabaho ang 11,000 workers at maka ambag sa pagpasigla ng ekonomiya.

Kasabay ito ng paglunsad ng “signature campaign” para sa “People’s Initiative” bilang pamaraan na mabigyan ng legislative franchise ang ABS-CBN.
Desperado na ang ABS-CBN. Na realize ng mga Lopez na wala na silang mapapatungohan pagkatapos binasura ng Korte Suprema ang petition for certiorati against the order of the National Telecommunications Commission for the network to cease and desist from its operations effective May 5, 2020.
Pasensya na ha?
Pero malabo na yan ang gusto niyong mangyari. Filipinos hardly felt the impact of the closure of ABS-CBN. It did not make people’s lives worse. Sa totoo lang, mas masarap pa nga ang pakiramdam ng marami dahil wala na ang fake news ng ABS-CBN sa pang-araw araw nila na buhay.