‘Intellectual’ daw si Leni
August 28, 2020 Leave a comment
The problem with Leni Robredo is that she needs props to achieve the desired image her handlers want to project to the public.
Katulad ng kanyang “talino”.
Sa kanyang “Address to the Nation” noong Lunes, kinailangan pa ng mga PR handlers ni Robredo ng tinatawag sa paaralan na “visual aids” upang kumagat sa isip ng taong bayan ang imahen na yan.
Kasi pag nakasalamin ang isang tao, pumapasok sa isip ng ibang tao na matalino ito.
Kaya yun — pinasuot nila si Robredo ng salamin.
At naglagay pa ng mga aklat sa harap niya.

Gusto nilang “intellectual” ang dating ni Robredo sa nanonood sa video.
Subalit hindi yan nadadala sa props.
Kailangan ang tinatawag na “authenticity” para sa isang mensahe na maging epektibo. Dapat totoo ang gusto nilang iparating sa tao. Sa loob mismo ng isang tao yan nanggagaling. It emanates from the heart. Hindi yan nakikita na bagay, kondi nararamdaman.
No individual needs to prove he or she is “intellectual”. There’s really no need to put up a list of the books he or she has read. It become apparent right from the moment he or she starts to speak, spontaneously, without a script.
At kahit na may “script”, mahahalata pa rin ng iba kung ano kalalim ang katalinohan ng isang tao.
Kung peke, lalabas at lalabas din ang katotohanan.
Katulad kay Robredo.
It simply isn’t her. Nabibisto kaagad na ang mga salita na binibigkas niya ay hindi galing sa kanya. Pinabasa lang sa kanya. Kaya kaagad lumalabas na peke. Hindi galing sa kanyang puso at utak.
Intellectual daw. Eh you don’t need visual aids to project that image. At intelligence doesn’t require effort for others to perceive.