Lumulutang ang eroplano ng 10 to 15 minutes pag mag “belly” landing sa tubig
August 24, 2020 Leave a comment
Hindi basta-basta at lulubog lang ang isang eroplano sa dagat sakaling mangyari na mga “ditching” o mag crash landing ito sa tubig. Marami na ang nangyari kung saan na-iligtas ang mga pasahero at crew ng mga eroplano na nag emergency landing sa dagat. Isa na dito yung pag lapag ng Airbus 320 United Airlines flight 1549 sa Hudson River sa New York. Lumutang ang eroplano ng mahigit kalahating oras at nakarating ang saklolo with plenty of time left.
Kaya nakakapagtaka kung bakit hindi nakaligtas si dating DILG Secretary Jesse Robredo, ang piloto at co-pilot noong bumagsak ito sa dagat habang pababa na at mag-lalanding sa Masbate airport noong August 18, 2012. Mahigit-kumulang kalahating kilometro na lang ang layo ng eroplano mula sa dulo ng airport ng bumagsak ito sa tubig. Ayon sa manufacturer ng Piper Seneca PA-34 kung saan nakasakay si Robredo, lulutang pa ito ng 10 hanggang 15 minutos bago lulubog sa tubig.
Mga tanong ko lang ito habang patuloy na sinisiyasat ko ang mga pangyayari sa araw na yun at ang pagkamatay ni Robredo.