Bakit “talino warriors”?


I was the one who coined the term “talino warriors” at the height of our battle against the lies and stupidity of Norman Mangusin and his minions three months ago.

Naisip ko kasi na kailangan gumawa ng pangalan para sa mga uma-away sa kampon ni Mangusin, na gumagamit pa noon ng pekeng pangalan na “Francis Leo Antonio Marcos”.

Talino lang ang makakasugpo sa kasinungalingan, kabobohan at katangahan.

Natutuwa ako at marami ang tumanggap sa pangalan na “talino warriors” at sumali sa samahan na ito. At the start, I knew that no single person can stop the lies of Mangusin. Biro mo naman, 1,080,000 ang subscribers niya sa kanyang YouTube channel!

The problem was that Mangusin and his followers believed TRUTH was on their side. Pinipilit nila na totoo ang lahat na sinasabi ni FLM sa kabila ng napakaraming katibayan na puro ito fake news. Walang gusto tumanggap ng “katotohanan” dahil para sa kanila, totoo din ang pinapaniwalaan nila.

Ito nga po ang problema sa “katotohanan”. There are as many shades of truth as one can imagine. Kaya kailangan na bago natin pag-usapan ang “katotohanan”, kailangan muna natin imulat ang mga mata ng mga tao at ipaliwanag kung bakit mali ang kanilang pinapaniwalaan.

Sa sinabi ko na sa isang video, ang kalaban natin ay kabobohan, katangahan o kamangmangan. It is a war against ignorance. Akala ng mga bobo at tanga, katotohanan din ang hinawakan nila. Kaya isang paraan lang talaga upang umiba ang paniniwala nila.

Mabuti naman at kumagat itong kilusan ng “Talino Warriors”. Marami ang sumali sa kilusan kahit hindi vloggers. Lumakas ang support mula sa mga Filipino sa buong daigdig. At ito ngayon, binuo ng mga naniniwala sa kilusan na ito ang “United Talino Warriors”.

Bawat kasapi ng UTW sa lider. Ang papel ko bilang chairman ay hindi katulad sa karaniwang ginagawa ng pangulo o pinuno ng isang organization. Each UTW is an influencer, a leader. We believe in a cause. Naniniwala kami na may kapangyarihan kami na makakadulot kami ng pagbabago sa ating lipunan para sa kabutihan ng lahat. Iba-iba ang level ng UTW at iba-iba rin ang karunungan na ina-ambag sa misyon na ito.

Wala pong superstar sa amin. EGO is the last thing that is in our minds. Hindi kami nakiki-agaw na tawagin kami na pinakagaling sa mundo ng social media influencing. Kung may gustong kilalanin na sila ang pinakamagaling, sa kanila na yan. At wala pong pilitan.

This is a movement. It is not an association. It is not a political party. It is not a corporation. Hindi po namin inu-utosan ang kahit sino kung ano ang dapat gagawin. There is no boss. Lahat kami boss.

What binds us is a shared passion to liberate our countrymen from ignorance, to protect them from the evils of corruption and the destructive modus operandi of scammers.

Kaya kung sino ang gustong sumali sa laban na ito, welcome po kayo.

Talino po ang kailangan natin upang manalo sa laban na ito.

About Manuel "Boy" Mejorada
Manuel "Boy" Mejorada is a journalist and social media activist. A former Iloilo provincial administrator, he is now waging a crusade against corruption and narco-politics.

One Response to Bakit “talino warriors”?

  1. Maybe i am one of the earliest ones who believe in you in your fight against drilon in the senate blue ribbon inquiry and also maybe the last to retreat in your war against the evil norman (flm) mangusin

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: