Yaman ng Lopez mula sa kuryente


Akala ng karamihan, nasa ABS-CBN lang ang investments ng pamilya Lopez. Pero mas malaki ang pera na kinikita ng mga Lopez mula sa industriya ng kuryente. Hindi po yan galing sa Meralco, dahil ibinenta na ng mga Lopez ang kanilang shares of stocks diyan kay Manny V. Pangilinan.

Ito po ay pinapadaan ng mga Lopez sa First Philippine Holdings, Inc. na siya ang may malalaking pagmamay-ari sa mga planta ng kuryente. Isa na diyan ang First Gen natural gas power plants sa Batangas City. May planta din sila na geo-thermal sa Leyte, North Cotabato at Negros Oriental, hydropower dam sa Pantabangan-Masiway, wind power at solar power sa Burgos, Ilocos Sur.

Nasa power generation na ngayon ang mga Lopez. Mas malaki ang pera dito. At napakadali dahil iilan na lang ang kailangan nilang kausapin. No more need to bill hundreds of thousands of consumers and collect from them. Ang Meralco na lang at iba pang mga power distributors sa buong bansa ang kailangan nilang harapin.

Taon-taon, bilyon-bilyong piso ang kinikita ng mga Lopez mula sa mga negosyo na ito. Ito ang kanilang negosyo na pinoproteksyunan ng ABS-CBN. Katulad yan ng dati noong sila pa ang may-ari ng Meralco. Ginamit ng mga Lopez ang kapangyarihan ng media upang maka-angkin ng malalaking pabor mula sa gobyerno.

Ito ang patunay sa sinasabi ni Pangulong Duterte na kontrolado ng mga oligarchs ang pinaka malaking negosyo sa bansa. In the case of the Lopezes, ginamit nila ang ABS-CBN upang makakuha ng malalaking pabor mula sa gobyerno nito nakaraang mga dekada. Sobra sobra na talaga ang kanilang kasakiman.

About Manuel "Boy" Mejorada
Manuel "Boy" Mejorada is a journalist and social media activist. A former Iloilo provincial administrator, he is now waging a crusade against corruption and narco-politics.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: