Peke na mga “sulat” ni FLM


Desperado na talaga ang mga vloggers ni Norman Mangusin, o mas kilala na si Francis Leo Marcos. Naging hanap-buhay na kasi nila ang pekeng buhay ni FLM. Dahil nasa bilangguan na ito (halos dalawang buwan na), kinakailangan nilang gumawa ng drama upang manatiling “buhay” si FLM. Paraan nila ito upang patuloy ang panloloko nila sa taong bayan.

Nitong nakaraang mga linggo, may ipinalabas ang mga vloggers ni Mangusin na kunwari ay mga liham ng pekeng FLM. Binabasa ito ng kanyang sekretarya na si Yhama at ng mga vlogger. Subalit peke ang mga liham. In the first place, hindi marunong sumulat si Mangusin. Sabi ng mga nakakilala sa kanya, hirap na hirap sumulat kahit isang linya ng pangungusap. Pangalawa, walang nakakadalaw kay Mangusin sa bilangguan. Pangatlo, kung nakita niyo ang mga sinasabing sulat, sobrang linis, wala kahit isang “cross-out” dahil sa pagkamali sa sinulat.

This is just too much.

Hindi ko na talaga masikmura. Garapalan na ang mga pamaraan ng mga followers ni Mangusin para lang kumita. Kailangan nilang buhayin ang alaala ni FLM dahil ito na lang ang paraan upang maniwala sa kanila ang mga biktima nila. Hanggang saan ba ang mga kasinungalingan na ito?

Ito ang mahirap sa mga katulad ni MacMac Pablo at Jojo de Guzman. Pagtuluyan nang mawawala sa eksena si FLM nila, wala na silang maaring sabihin pa sa mga bobo at tanga na patuloy na nanininwala sa kanila. These vloggers are empty-headed. Walang laman ang ulo kondi ang mga kasinungalingan na inumpisahan ni Mangusin.

Pero hindi rin magtatagal at ma-uubos na ang hangin sa kanilang lobo ng kasinungalingan. Sa ngayon pinapa-asa nila ang mga tao na hindi matatablan si Mangusin sa mga kaso na hinaharap niya, at makakalaya daw ang idol nila sa hindi katagalan na panahon. Ilang beses na nila ibinalita na nakatakda nang lumabas si Norman. Hanggang ngayon, nasa bilangguan pa rin.

Sa palagay ko, hindi na aabot sa tatlong buwan mula noong inaresto si Mangusin ng NBI at huhupa na rin itong “FLM Fever”. Mauubosan na ng gasolina. Habang tumatagal na hindi nakikita ng mga tao si FLM, sigurado ako na mawawala na rin ang kanilang interes sa kanya. Kaya babala lang ito sa mga tao: alamin ang katotohanan. Walang liham si FLM. At hindi siya makakalaya sa lalong madaling panahon katulad ng pinagyayabang nina MacMac at Jojo.

About Manuel "Boy" Mejorada
Manuel "Boy" Mejorada is a journalist and social media activist. A former Iloilo provincial administrator, he is now waging a crusade against corruption and narco-politics.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: