Bakit quiet kayo tungkol sa unfair labor practices ng ABS-CBN?
July 3, 2020 Leave a comment
Sinasabi ng ABS-CBN na isa itong huwaran na employer. Nakakatanggap daw ng magagandang benepisyo ang mga empleyado at nabibigyan ng lahat na proteksyon sa ilalim ng batas. Subalit kabaliktaran ang katotohanan. Diyan kasi magaling ang ABS-CBN — sa pagsinungaling.
Maraming illegal labor practices na ang natuklasan ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa ABS-CBN. May illegal dismissal. At karamihan sa mga empleyado ay contractual. Meron iba na “probationary” pa rin ang status pagkaraan ng 16 years na serbisyo. Hindi talaga makatarungan.
Pero sa kabila nito, may naririnig ba tayo na pagpuna mula sa kaliwa? Sa Bayan-Muna at sa mga grupo nito? May reklamo ba tayong naririnig mula sa mga nagmamalinis na senador katulad ni Risa Hontiveros? Wala!!! Naka zipper ang mga bunganga. Puno kasi ng salapi hindi na makasalita.