Iwas bayad buwis ang ABS-CBN! (Part One)


Parating sinasabi ng ABS-CBN na malaki ang ambag nito sa ekonomiya ng Pilipinas dahil sa malaking negosyo sa television at radio nitong nakaraang 25 na taon, at kailangan mabigyan ito ng bagong prangkisa upang maipatuloy ang papel nito na nagdadala ng malaking pera sa ating bansa.

Subalit lahat ito ay napasinungalingan kahapon, July 1, 2020, sa ika-sampung pagdinig ng House Committees on Legislative Franchises at Good Government pagkatapos binulgar ng ilang congressmen ang mga pamaraan ng ABS-CBN sa tinawag na tax avoidance. At nabisto rin ang ginawa ng ABS-CBN upang maikotan ang Constitutional prohibition against foreign ownershiop.

Sa loob ng mahigit anim na oras, inisa-isa nina Congressmen Rodante Marcoleta, Mike Defensor, PD Barzaga at Boying Remulla sa paghubad ng katotohanan tungkol sa “corporate layering” na tinatawag at paggamit ng “tax havens” sa ibang bansa upang malaki ang matitipid ng ABS-CBN sa dapat babayarang buwis.

Una dito ay ang paglipat sa isang “simulated sale” ng 132,000,000 shares ng common stock na hawak-hawak ng Lopez, Inc. sa ABS-CBN patungo sa kamay ng ABS-CBN Holdings Corp. noong 1999. Naghahalaga ng P46 bawat share, umabot sa P6.070 billion ang buong transaction na kunwari ibinenta ng Lopez, Inc. sa ABS-CBN Holdings na bagong tatag pa lang noon.

Pero lahat na ito ay kunwari lang. “Simulated sale” kung sa wikang Ingles. Dahil wala naman talagang kakayahan ang ABS-CBN Holdings upang mabili ang ganoon kalaking halaga ng shares of stock (patunay ng ownership) sa ABS-CBN Corporation. Nabisto na ang “capital stock” ng ABS-CBN Holdings ay P1,000 lamang. Ibig sabihin, itinayo ang kompanya sa kapital na isang libong piso lang.

Simple logic: how can a company with capitalization of P1,000 afford to buy shares of stock with a total worth of P6,072,000,000? Mas malaki pa yata ang capital para sa sari-sari store. Can a sari-sari store owner afford to buy billions of pesos in assets?

Maliwanag pa sa sikat ng araw sa katanghalian na sa papel lang nangyari ang bilihan ng shares of stock. Dito nag-umpisa ang pandaya ng ABS-CBN upang maka-iwas sa requirement ng 1987 Constitution na dapat 100% Filipino-owned ang isang media company. Ginamit ng mga Lopez ang ABS-CBN Holdings, Inc. upang makabenta ng Philippine Depository Receipts o PDRs sa mga banyagang investors.

Nagkunwari ang ABS-CBN Holdings na hindi naman talaga binigyan ng “ownership rights” ang bumili ng PDRs, kaya pinipilit nito na wala silang nilabag na batas. Subalit ABS-CBN Holdings ang may hawak ng common shares of stock na sa likod ng bawat PDR. Kung sino ang nakabili ng PDR ay nabibigyan ng kapangyarihan kung paano pinapatakbo ang ABS-CBN. Parang “proxy” kasi ang ABS-CBN Holdings para sa PDR owners. Clearly, this is a violation of the Constitution.

Ang kunwaring pagbili ng 132 million shares of stock ng ABS-CBN Holdings, Inc. mula sa Lopez, Inc. ay tinuring ng utang sa pinagmulan ng kompanya. Susmaryosep! May negosyante ba na magpapa-utang ng bilyon-bilyong halaga sa isang kompanya na may capital na isang libong piso lamang? Drawing lang yun. Drama. Para lang makahanap sila ng paraan na paikotan ang batas.

Binayaran lang ng ABS-CBN Holdings ang Lopez, Inc. pagkatapos nakabenta na ito ng mga PDRs. Napakalinis ang pagkagawa ng dayaan. Nakalusot sana kung hindi dahil sa matitinik na mata nina Marcoleta, Barzaga, Defensor at Remulla.

(May karugtong)

About Manuel "Boy" Mejorada
Manuel "Boy" Mejorada is a journalist and social media activist. A former Iloilo provincial administrator, he is now waging a crusade against corruption and narco-politics.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: