Quality, not quantity


May nababasa akong mga comment sa aking YouTube channel na hindi na raw nadadagan ang mga subscribers ko. Stagnant na raw. Tumigil na ang paglaki. Nasa 127k na lang daw sa dalawang linggo.

Nakakatawa ang mga comment na ganito. Pagpuna ito ng mga taong hindi pa nga nakakagawa ng kahit isang YouTube video. Wala pang subscribers. Magaling sila magpuna, pero wala pa naman silang napapakita na accomplishment bilang YouTube o Facebook vlogger.

These individuals are pathetic. Walang papatunguhan sa buhay. Puna ng puna pero walang nagagawa sa mga bagay na pinupuna. May kasabihan nga na napakadali sabihin kung ano ang ginawang mali sa laro ng taong nanonood lang ng basketball o kahit anumang sports. It’s so easy to criticize when you are a spectator. Pero subokan kaya nila na pumasok sa basketball court at sumali sa laro. Sigurado palpak ang laro.

Ito ang isasagot ko sa kanila.

Hindi ko tinitignan ang bilang ng subscribers ko. Ang alam ko kasi na mas marami naman talaga ang bobo at tanga sa lipunan. Para sa kanila hindi entertaining ang YouTube vlogs ko. Hindi nakakatuwa. Dahil kasi mabigat sa utak nila ang laman ng mga vlogs ko. Hindi kaya ng maliliit na utak nila ang high-level na usapan.

What profit will I make if I had 1 million subscribers like Francis Leo Marcos? Wala naman laman ang mga videos niya. Puro kasinungalingan. Puro panlilinlang. Nakakalungkot lang, dahil marami ang nanonood sa mga walang kuwentang video ni FLM. Sumakay ang mga bobo at tanga sa mga pa-asa sa kanila ni FLM na makakatanggap sila ng P500 o limang kilo ng bigas.

I would rather have only 100 subscribers than 1 million kung alam ko na mga matatalino ang subscribers ko. Hindi ko inaasam-asam na ganoon kadami ang subscribers ko dahil lang sa kikitain ko mula sa YouTube. Para sa akin, quality over quantity.

At gusto ko na rin sabihin na nakaabot na tayo sa 127,553 subscribers (as of 5 a.m., June 22, 2020). Malaking bilang na po yan. In fact, dapat makakatanggap na ako ng SILVER BUTTON plaque mula sa YouTube bilang pagkilala na ako’y naabot sa 100k subscribers. Pinaghirapan ko po yan. Bunga po yan ng sipag at tiyaga. Siyempre tinulungan ako ng mga matatalino kong subscribers upang makarating diyan.

About Manuel "Boy" Mejorada
Manuel "Boy" Mejorada is a journalist and social media activist. A former Iloilo provincial administrator, he is now waging a crusade against corruption and narco-politics.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: