Most wanted?


Dito lang yata sa Pilipinas nangyayari na ang taong nakikipaglaban sa mga budol-budol at korap ang may pabuya pa hindi galing sa mga alagad ng batas, kondi sa mga taong nangbibiktima sa kapwa tao.

Kagabi nagpalabas daw ng video itong si RICKNE JACALA kung saan nag-alok siya ng pabuya na P500k hanggang P1 million daw sa makakaturo kung saan ako naroroon.

This is not the first time a scammer put up a bounty for my ELIMINATION. Galit na galit kasi sila dahil sa pagsisiwalat ko tungkol sa kanilang panloloko sa taong bayan.

Ang una ay si FLM, o si Norman Mangusin in real life. Kahit hindi nga ibinigay ang gantimpala na P30,000 sa nanalo sa rap song composition contest niya, nag offer pa siya ng reward na P3 million para sa makakaturo kung sino daw ang nasa liko ng “bashers” niya. Pero halata na ako ang target niya.

Tapos nitong nakaraang linggo, nag alok din ang alipores niya na si DAVID ILAGAN ng P50,000 for the same purpose.

Isa lang ang ibig sabihin nito.

Epektibo ang inyong abang-lingkod sa ginagawa kong pag expose sa mga katulad nilang mga scammer at korap.

Pinapahanap din ako ni Senate Minority Leader Franklin M. Drilon.

But this will not silence me. Habang malaya pa ako, gagawin ko ang lahat upang ipakiglaban ang kawsa ng mga biktima ng mga scam na ito, lalo na ang mga OFW. Tuloy po ang laban — KATOTOHANAN versus KASINUNGALINGAN. I will risk my own life to protect the welfare of the victims and potential victims.

About Manuel "Boy" Mejorada
Manuel "Boy" Mejorada is a journalist and social media activist. A former Iloilo provincial administrator, he is now waging a crusade against corruption and narco-politics.

One Response to Most wanted?

  1. Benigno dela Cruz says:

    Sir Boy, mga pananakot at totoong banta; iisa lang ang dapat gawin, mag ingat lagi at humingi ng tulong sa Panginoon para sa iyong kaligtasan. Maaaring mahirap humingi ng tulong sa mga may kapangyarihan dahil sa sistema ng ating pamahalaan, ngunit mas mainam pa rin na magreport o magsumbong sa may kapangyarihan. Malaki/marami ka nang nai ambag na kaalaman upang makaiwas at huwag maloko ng mga scammer. Sana ay magpatuloy ka sa mabuti mong gawain at iligtas ka ng Panginoong Diyos sa anumang kapahamakan at naway magpatuloy ang tagumpay ng laban mo sa corruption, panloloko at iba pang krimen ns ginagawa sa ating gobyerno at mamamayan. Salamat at naway patnubayan at ipagsanggalang ka nang Amang Makapangyarihan.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: