Takot talaga sila (mga scammer) sa akin


Lahat na kanyon ng kampon ni Francis Leo Marcos ay nakatotok sa akin sa isang malaking pagsisikap na patahimikin ako sa social media. Lahat na paninira, lahat na pagbatikos binobuhos nila sa akin. Akala kasi nila masisira ako sa mata ng mga kababayan natin na nanonood sa mga video ko at nagbabasa ng mga posts ko.

Ito ang isang halimbawa na nakakatawa:

Kabaliktaran sa katotohanan, di ba?

Una, walang nag-hire sa akin upang gumawa ng mga video tungkol sa mga scam ng idol niyong si Francis Leo Marcos, o si Norman Mangusin.

Hindi ako katulad sa mga vloggers niya na bobo at mercenaryo. Diyan sila nabubuhay sa paggawa ng vlogs na puno ng kasinungalingan. Kung hindi sila magsinungaling, wala silang pera.

Matagal na ako sa journalism. Marami na akong nabangga na tao. May senador. May governor. May mayor. May congressman. May drug lord. To be honest, ngayon lang ako bumangga sa scammer. Pero kailangan kong isiwalat ang katotohanan. Kawawa ang mga biktima ni FLM.

HINDI AKO “FOR HIRE”.

Pangalawa, kung hindi ako epektibo sa ginagawa ko na pagsiwalat ng katotohanan, bakit nila ako pinagtutulong-tulongan? Why are they ganging up on me? Ina-atake ako sa Facebook, Twitter at YouTube. Ano ba ang meron sa akin na binubuhos nila ang kanilang puwersa sa isang Boy Mejorada?

Mahirap bang sagutin yan?

Simple.

Dahil super effective si Boy Mejorada.

Dahil nakikita nila na napurnada ang kanilang mga scam.

Maraming tao ang namulat dahil sa aking mga expose. At maraming Talino Warriors ang lumabas na rin upang tulongan ako sa mission na ito para sa katotohanan.

Sabihin niyo na lang ang katotohanan — TAKOT KAYO KAY BOY MEJORADA.

About Manuel "Boy" Mejorada
Manuel "Boy" Mejorada is a journalist and social media activist. A former Iloilo provincial administrator, he is now waging a crusade against corruption and narco-politics.

2 Responses to Takot talaga sila (mga scammer) sa akin

  1. Amy V garcia says:

    Kaya nyo po yan sir laban lang para sa katotohanan kung walang katulad nyo paano na kaya lalaganap ang mga scammer at manloloko salamat lang may talino warriors na nanininindigan pra labanan ang mga manloloko. Matatalino po kayo sir kayo ng grupo mo lalo na po kayo kya huwag po sana kayo pasisindak sa kampo ng mga mandurugas ito na ang panahon na pra tuldokan na ang kanilang masasamang gawain. Mabuhay po kayo sir Boy stay healthy and safe po we salute to you.👍❤👍❤

  2. Felicitas Naguit says:

    How to be a good member after signing up!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: