Mga senador na ipokrito
June 19, 2020 Leave a comment
Binatikos ng dilawan na mga Senador ang paghatol ni Manila RTC Judge Rainalda Estacio-Montessa na “guilty” si Maria Ressa ng Rappler at ang researcher-reporter na si Reynaldo Santos sa kasalanan na Cyber-Libel.
Sabi nina Senador Kiko Pangilinan at Risa Hontiveros na ikamamatay daw ng demokrasya ang GUILTY VERDICT dahil sinakal daw sa leeg ang freedom of the press.
THREAT TO PRESS FREEDOM. DEATH OF DEMOCRACY.
Mga mabibigat na mga salita.
Masama para sa kanila ang hatol na ito dahil tinamaan ang isa sa kanila — isang DILAWAN na itinuturing na lider ng fake news factory.
Bakit hindi nila tanungin si Senator Franklin Drilon kung bakit sinampahan niya ako ng tone-toneladang libel cases? 15 all in all.
Ito ang totoong ASSAULT ON PRESS FREEDOM. Tinambakan ako ni Drilon ng mga cyber-libel cases upang mapatahimik ako at tigilan ko na ang pagsiwalat tungkol sa mga katiwali-an sa mga projects niya sa Iloilo.
Did they expect the court to rule otherwise just because Ressa belongs to the dilawan group?
From a legal perspective, the court had no recourse but to find her guilty. Hindi nga siya nag present ng sariling depensa. Walang magagawa ang korte kondi pagbasehan ang ebidensya ng prosecution.
Kung naniniwala sila na mali ang desisyon, punta sila sa Supreme Court.