May pabuya na naman daw para sa ulo ko
June 19, 2020 1 Comment
Nakatanggap ako ng private message sa Facebook tungkol sa umano’y pabuya ng isang alipores ni Norman Mangusin na bibigyan niya ng P50,000 ang kung sino man ang makakaturo kung nasaan ako naroroon.
Sobra ang galit ng mga alipores ni Mangusin dahil sa ginawa kong pagbulgar sa scam ng idol nila at nakatulong tayo sa mga alagad ng batas sa pagbigay ng kaalaman sa mga tao upang hindi sila mabiktima.
Malaki din ang naitulong natin upang ipatupad ang service of warrant of arrest kung saan ipina-ilalim si Mangusin sa kamay ng batas noong Mayo 19, 2020, o isang buwan na ang nakaraan.
Pero bakit P50,000 lang?
Natatandaan ko na may pabuya din si FLM ng P3 million para mahanap ako.
Ano ang nangyari? Malaki ang kinaltas ng mga alipores ni FLM sa mismong pera bilang pabuya? Nabudol-budol na rin ba ang budol-budol king?
These guys are a bunch of monkeys in the circus. Nakakatawa sila. Akala nila matataranta ako. Hindi nga ako tumigil sa pag siwalat sa scam ng boss nila kahit P3 million ang pabuya. Ngayon P50k na lang?
Pls do extra care threat like is a serous one, not to ignore . Inform the NBI this threat for your security at the hands of Mangusin camp
LikeLike