FUNNY STORY tungkol kay FLM


Nakakatawa rin pala itong si Francis Leo Marcos.Noong Abril 2019, inimbetahan siya ni Bernard Chong na sumama sa biyahe ng negosyanteng Filipino-Chinese sa Panama. May construction business doon si Chong.Business class ang kanilang ticket sa KLM Royal Dutch Airlines.First time pala ni FLM na makakasakay sa international flight sa business class.Laking gulat daw ni Chong, at ang kasama nitong babae, ng dumating sa NAIA si FLM. May ilang pulis pa na kasama bilang escort. VIP daw kasi siya (siyempre binigyan ng pera ang mga pulis). Pero ang nakakatawa para kay Chong at kasama nito ay makita si FLM na naka-business suit. Naka Americana.Sa isip niya kasi, doon sila uupo sa business class.Kaya naisip niya na may “dress code”. Kaya naka Americana. Si Chong at ang GF niya ay naka casual attire.Anyway, hindi natuloy sa biyahe si FLM.Siguro nakalimutan din na sabihin ni Chong kay FLM (Norman Mangusin) na kailangan niya ng U.S. visa upang makapasok sa Panama.Pag dating nila sa check-in counter ng KLM Royal Dutch Airlines, tinignan ang passport niya. Doon at nakita na wala siyang U.S. visa.Nahulog daw ang mukha ni FLM ng sabihin sa kanya na hindi siya makakasakay sa flight.U.S. visa ang kailangan para makapasok sa Panama.Hindi daw ma-drawing ang mukha ni FLM sa laking kakahiyaan.Ayan, sobrang yabang niya kasi. May bodyguard pa. Wala naman palang U.S. visa.

About Manuel "Boy" Mejorada
Manuel "Boy" Mejorada is a journalist and social media activist. A former Iloilo provincial administrator, he is now waging a crusade against corruption and narco-politics.

One Response to FUNNY STORY tungkol kay FLM

  1. garciamd@equate.com says:

    di ba MIT graduate siya? hehehehhehehe

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: