Bernard Chong at FLM, ano ang “real story”? (Part One)


Mula sa pag-umpisa pa lang ni Francis Leo Marcos ng kanyang #MayamanChallenge noong buwan ng Marso, na-ugnay kaagad ang pangalan ni Bernard Lu Chong, isang malaking negosyanteng Filipino-Chinese na siya ang itinuturo na “financier” ng budol-budol king ng bansa.

Pero naging tahimik si “Bren”, ang palayaw ni Bernard Chong, tungkol sa controversy. Kahit paulit-ulit na nababanggit ang pangalan niya, hindi kumikibo. Lumutang ang mga haka-haka na siya ang sumusuporta kay FLM. Na sila ay “partners”.

Ano nga ba ang katotohanan?

During the last two weeks, marami akong nakausap na tao, kasama ang malalapit kay Bernard Chong sa kanyang buhay. Pero kahit na marami akong nakuhang impormasyon, hindi ito nakakatulong sa pagpaliwanag kung ano talaga ang kanilang kaugnayan.

Alam ba ni Bernard Chong ang budol-budol na ginagawa ni FLM gamit ang social media? Kung ano ang pagkakilala ng mga tao kay FLM, ito ay dahil sa yaman na ibinuhos ni Bernard Chong sa kanya. Noong uma-apoy na ang isyu na online scamming nga ang ginagawa ni FLM, did he make an effort to stop his friend? Sinuway niya ba ito o pinatigil?

Sa edad na 40 na taon, isa sa pinakayaman na negosyante si Bernard Chong sa bansa. Ang kanyang hilig sa mobile gaming, lalo na ang “Clash Royale”. Isa itong laro na malaki ang pustahan ng mga mayayaman. Halos lahat na big-time players ay may credit-card limit na umaabot sa milyong piso at mas malaki pa.

Matalas ang mga mata ni FLM sa mga taong puwede niyang mabiktima sa budol-budol. Kaya noong magkakilala sila sa Heritage Hotel noong Enero 30, 2019, pumasok kaagad kay FLM na “rich find” niya ito. Isang tao na halos unlimited ang pera.

Nagpakilala siya na isang Marcos. Anak ni Pacifico Edralin Marcos at “Dona” Remedios Carino Antonio. First cousin daw niya si dating Senator Bongbong Marcos at Senator Imee Marcos. Heredero daw sa kayamanan ng mga Marcos.

Dahil anak-mayaman, kulang si Bernard Chong sa kaalaman tungkol sa mga swindler katulad ni FLM. Naive kung sa wikang Ingles. Akala niya lahat na tao ay kasing bait niya. “Napakabait na tao yan si Bernard,” sabi sa akin ng isang napakalapit na tao sa Filipino-Chinese na ito. “Matulongin,” dagdag niya. Wala daw sa pagkatao ni Bernard Chong ang masasamang ugali. “Pure heart and soul,” ang pagkalarawan sa kanya.

(To be continued)

About Manuel "Boy" Mejorada
Manuel "Boy" Mejorada is a journalist and social media activist. A former Iloilo provincial administrator, he is now waging a crusade against corruption and narco-politics.

11 Responses to Bernard Chong at FLM, ano ang “real story”? (Part One)

  1. Manolito M. Matulac says:

    buwesit

  2. nmponline says:

    Nakakabitin naman ang kwento Sir but anyways, great article ito! Keep it up Sir and don’t be tired of informing us. By the way, i always read your articles!

  3. Marisa says:

    sir may balita na si Bernard Chong din ang nag babayad ng mahigit two hundred thousand a month sa isang DDS Facebook and YouTubers para sa kanyang propaganda. isa sa na napansin ko si NINO Barzaga. kung nakita nyo na interview pa nya ang mayor sa Isabella na kasabwat ni mangusin sa land grabbing. at inamin mismo ng mayor na naambunan siya ng lupa galing sa magsasaka.

  4. ritch says:

    Malamang pinagpilitan din ni Mangusin ang sarili nya kay Bernard Chong at biktima din it ng Budol Budol ni Norman. Dapat lumantad sya para hindi masabit sa NBI

  5. diego says:

    The truth exposed now helps deter future copycats, but sadly…history has a way repeating itself. I suggest all such crimes be subject to aid legislation and impose much much stiffer retribution by law. I am a staunch advocate of capital punishment for graft, corruption, rape, armed robbery, theft, murder and much more.
    human rights should include the right to not be victims.

  6. Marrieta Oconer says:

    Ang sarap naman bsahin ng kwento nyo po Sir Boy. Napakalinaw po kasi ng mga detalye. More power po sa inyo. Please don’t get tired of doing your passion. Ang mga katulad nyo po ang kailangan ng Pilipinas para mapigilan po ang mga masasamang gawain ng ibang tao na tulad ni norman mangusin. Stay safe po.

  7. Ferdinand M.Quila says:

    Alam mo Mr.Mejorada ,tama ka sa hinala mo na there is something illegal transactions between Mr Chong and FLM.Dapat talaga ang masusing imbestigasyon para lumabas ang katotohanan.
    Nakakalungkot lang kasi nga,ay may kaso ka din na hinaharap dahil sa kababayan mong buwaya at gahaman sa pera.
    Sana ay lagi kang gabayan ng Diyos araw araw at sa lahat ng iyong ginagawa.
    Salamat sa mga ginawa mong paglalahad ng mga katiwalian at mga nangyayaring mga illegal diyan sa ating bansa.Bihira ang kagaya mo na may paninindigan at matapang na mamamahayag.
    Sana ay madami pang kabataan na gawin kang inspirasyon at isa na ang bunso kong anak na babae na Graduating next year as Journalist dito sa London.
    Thank you po Mr Mejorada,at naka suporta po kami sa’yo 100%.Kailan nga po pala ang karugtong?

  8. Mukhang tama xi Xian na me planong magtayo ng networking itong sina Mangusin at Bernard Chong kaya nagpapakila at namumuhunan si Mangusin sa tulong ni Bernard. Kaso nagka-pandemia. However, mamgiging maganda ang takbo ng networking nyan kapag natapos ang crisis. Pag nalugi, tatakas na yan. Marami nang gumawa nyan.

    Buti nadakip itong Pustisong Kabayo.

    Hintayin ang pagdedeny ni Bernard Chong para hindi masabit sa kabudulan ni Madusing.

  9. teksbok says:

    may kumakalat sa facebook tungkol sa pinapkitang dukomento ng sasakyan ni norman mangusin. Ung BRN na plate number ay sa kaya daw naka rehistro.

  10. Veronica Jan Villareal says:

    Dear sir Manuel
    Awaiting your next chapter regarding relation of Bernard Ching and mangusin ayaw ko talaga tawaging FLM ito peke yan eh ung true name talaga dapat itawag
    Ingat po ,awaiting

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: