Budol-budol ni FLM ini-imbestigahan na ng Securities & Exchange Commission
May 15, 2020 2 Comments
Binuksan na ng Securities and Exchange Commission (SEC) ang isang fraud investigation sa ginagawang pangbudol-budol ni Francis Leo Antonio Marcos, o si Norman Mangusin in real life, pagkatapos nakatanggap ito ng reklamo ko.
Sa isang liham na may petsang May 12, 2020, sinabi ni Atty. Oliver Leonardo, Officer-in-Charge ng Enforcement and Investor Protection Department (EIPD) ng SEC, na nakapag-umpisa na ang ahensya sa pag-examine ng mga records at alamin kung ginagamit ni FLM ang kanyang mga foundation sa fraudulent activities.
Ang SEC ang ahensya na may jurisdiction pagdating sa pangbudol-budol gamit ang mga rehistradong kompanya o foundation.
Kung matandaan, ang SEC din ang nag file ng kasong syndicated estafa laban sa Kapa Community Ministry International noong nakaraang taon dahil sa “ponzi style” na panloloko sa mga taong nagtiwala sa mga lider nito.
Humingi ng tulong ang SEC mula sa publiko na maka-ipon ng karagdagang information o mga dokumento na maaring gamitin sa imbestigasyon na ito.
Kung meron po kayong maitulong, maari niyong ma contact si Atty. Leonardo sa telephone number (02) 8818-6337.
Ayan na ang hinihintay ng mga Normanians!
Lagi silang naghahamon na kasuhan nalang wag na puro dada. Malapit nang matauhan ang mga kawawang Normanian na nauto ni Mangusin.
Maraming salamat Sir Boy sa iyong tapang at dedikasyon sa pag laban at pag e-expose sa mga ganyang klaseng tao na ginagamit ang ating mga kawawang kababayan, lalo’t sa panahon pa man din ng pandemic.
Mabuhay ka Sir Boy!
LikeLike
Hahahah katapusan mo na Norman Mangusin,
Nabibilang nalang Ang araw mo,
LikeLike