Peke na ambush (The adventures of Francis Leo Marcos as a budol-budol)


Ngayon lang talaga lumabas ang mga detalye ng mga kabalastugan at panloloko ni Francis Leo Antonio Marcos. Dati kasi, iilan lang ang nagiging biktima niya. At karaniwan, kung may reklamo man laban sa kanya, hindi ito lumalabas sa balita. Ito ang dahilan kung bakit walang hinto ang pang-budol-budol ni FLM sa iba’t-ibang bahagi ng Pilipinas at sa abroad.

Noon pa man, mahilig na si FLM na mang-peke. Mga dokumento. Pati na ang kuwento tungkol sa kanyang buhay. As early as 2007, he started using the name Francis Leo Antonio Marcos for his scams. Peke ang pangalan niya. Hindi naman siya ipinanganak with that name. Wala siyang ma-pakita na dokumento ng genuine upang mapatunayan yan.

Lahat na lang puwede i-peke ni FLM. Pati na ang kunwari’y pagtangka sa kanyang buhay. Binaril daw siya ng riding in tandem.

Nangyari ito noong buwan ng Setyembre, 2012. Maraming atraso na si FLM. At marami ang humahabol sa kanya. Isa na dito ang dating mayor ng isang bayan sa Cagayan Province. Binudol-budol siya ni FLM sa halagang P10 million. Hindi na nagpakita kay Mayor si FLM sa mahabang panahon. Hindi na rin sinasagot ang mga tawag at text.

Kaya nagpasya ang isang anak ni Mayor na lumuwas sa Maynila at hanapin si FLM. Alam kasi nila na diyan siya umi-istambay sa Midas Hotel Casino sa may Roxas Blvd.

Noong matunogan ito ni FLM, gumawa siya ng drama. Tinambangan daw siya ng riding in tandem at binaril. Tinamaan daw sa dibdib ng bala mula sa cal. 45 pistol. Tumagos daw ang bula sa likod niya. Pagkatapos binayaran ang isang tabloid na ibalita ito sa front page ng diyaryo.

brigada news ambush story cropped

Basahin niyo at pinalabas pa ni FLM na kamag-anak siya ng mga Marcos. “Marcos kin” ang tawag sa kanya sa headline. Kuwentong kutsero lang pala. Wala namang imbestigasyon ang NBI.

Sinundan ito ng mga litrato sa Facebook na nagpapakita ng kunwari’y sugat sa dibdib at likod. May bandage lang at antiseptic. Pero sa totoo, wala kahit gasgas sa katawan. Fake news. Pang FB lang.

Tinakot ni FLM si Mayor na ibubulgar niya na si Mayor ang nagpa-ambush sa kanya kung hindi ito umatras sa pag-hunting sa kanya. Kaya tumigil na ang anak ni Mayor sa paghanap at bumalik na lang sa Cagayan Province.

Dito talaga magaling si FLM. Ano ang patunay ko na hindi totoo ang sinasabing sugat dahil sa pamamaril? Sa mga larawan na pinost niya sa FB, makikita na halos nasa gitna ng dibdib ang sugat. Through and through, kung sa wika ng mga forensics investigators. Tumagos ang bala. Kung totoong tama yan ng bala, aba dapat namatay na ang tarantadong ito.

Tignan niyong mabuti. Kung tinamaan siya ng bala sa dibdib, at tumagos ang bala sa likod (exit wound), wasak dapat ang vital organs niya katulad ng lungs at liver, lalo na kung cal. 45 ang baril na ginamit. At kung hired killer nga ang bumaril, hindi talaga mabubuhay ang scammer na ito. Dahil kung tinamaan sa dibdib, sigurado tumba yan at nawalan ng malay. Sana nilapitan pa ng gunman at barilin sa ulo. “Finishing” ang tawag ng mga guns-for-hire niyan.

Hindi nga na-ospital. Sa bahay lang daw nagpagaling.

Setyembre 2012 daw nangyari ang “ambush”. Pero sa litratong ito, na kuha noong buwan ng Marso 2013, sa swimming pool ng Antel Seaview Towers condominium diyan sa Roxas Blvd., makikita na walang scar o peklat sa dibdib ni FLM kung saan siya dapat tinamaan ng bala.

no bullet wound scar

Hindi original si Kim Chiu sa pekeng ambush. Naunahan na siyan diyan ni FLM.

At ginamit pa ito ni FLM upang mapag-perahan. Minsan, may naka-away na Koreano diyan sa casino at sinuntok siya sa may tiyan. Dahil may kaibigan ito sa Pasay City police department, pina-blotter nito na dumugo daw ang sugat niya. Pinuntahan ng mga pulis na kasabwat niya ang Koreano. Nakipag-areglo tuloy ang kawawang Koreano sa malaking halaga upang hindi na lang makasuhan.

 

About Manuel "Boy" Mejorada
Manuel "Boy" Mejorada is a journalist and social media activist. A former Iloilo provincial administrator, he is now waging a crusade against corruption and narco-politics.

4 Responses to Peke na ambush (The adventures of Francis Leo Marcos as a budol-budol)

  1. ajcabra says:

    Ano yong Brigada na diaryo, bkit hindi sa mga major dailies nka publish ung balitang nabaril so FLM? I smell something FISHY!

  2. AnjoC says:

    Matagal na rin palang binubudol ni NORAMN MANGUSIN pati ang mga awtoridad na ating bansa. Sana sa panahon ngayon ay matutukan na ito para wala na siyang kawala at hindi na makapang budol-budol pa!

  3. Rolly versoza says:

    Loko loko talaga ito si luslusin galing gumawa ng drama. Para mapaniwala niya kanyang biktima. 🤣🤣🤣

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: