Ang “lihim na yaman” ni Francis leo Marcos


Bilib talaga ako kay Francis Leo Antonio Marcos.

Meron pala siyang tinatago na P81 million sa bangko. Nandun lang ito sa tatlong branch ng PS Bank, dalawa sa Quezon City at isa sa Tuguegarao. Lihim ito na tinatago ni FLM. Ayaw niyang mabisto ng mga blind fanatics niya. Baka marami ulit ang hihingi ng pera. Wala na nga siyang ibinigay eh. Siya pa ang nagnakaw ng pera ng mga taong naniwala sa kanya.

Seriously speaking, we stumbled upon three passbooks owned by FLM in these bank branches. At sa pinakahuling posting o record sa mga passbook, may balanse si FLM na P81 million mula pa noong October 16, 2012. Halos walong taon na ang nakaraan.

Ang sabi ni FLM sa mga inutangan niya, may “freeze order” daw ang gobyerno sa kanyang mga bank accounts. Ito daw ang dahilan kung bakit hindi niya ma-withdraw ang pera. Pero katulad ng karamihan sa sinasabi niya, kasinungalingan yang “freeze order” na yan. Wala po.

Dahil sa passbook lang ang laman na P81 million. Wala sa bangko.

Paano nangyari yun?

Noong Oktubre 5, 2012, nag file si FLM ng Certificate of Candidacy sa Commission of Elections upang tumakbo bilang Senador sa May 13, 2013 elections. Hindi niya alam na may minimum age requirement pala. Dapat 35 ang isang kandidato sa pagka-Senador pagdating ng June 30, 2013. Eh 33 years old pa lang siya at the time.

Because of this, FLM was disqualified as a nuisance candidate.

Yung P81 million ay hinanda niya bilang “show money” sa Comelec upang patunayan na may financial capacity siya na umikot sa buong bansa at mag-kampanya. Kaya lang, papel lang pala yung laman ng passbooks. Dahil walang pundo. Yung dineposito ni FLM sa kanyang mga accounts ay tumalbog. Nag bounce. Inisyu kasi mula sa isang CLOSED CHECKING account.

Pero kahit nabigo siya sa kanyang ambisyon na tumakbo bilang senador, ginamit pa rin ito ni FLM kung sinisingil ng mga na-utangan niya noon. Pinapakita ito na may naka print sa passbook na P81 million ang pundo. Pinalabas niya na hindi niya ma withdraw dahil nga may “freeze order” daw. Ito daw ay dahil isa siyang Marcos.

Magaling talaga si FLM sa pang budol budol. Pati pa COMELEC binalak niya pang ibudol-budol. Mabuti na lang at na technical siya sa age requirement at hindi natuloy ang kanyang candidacy. Kung nangyari pinayagan siya, marami siguro ang nabudol-budol niya sa paghingi ng campaign funds. Ilang foreigners ang na biktima niya sa ganoong raket. Pero noong mabulgar na disqualified siya hindi na niya ito pinatuloy na raket.

 

About Manuel "Boy" Mejorada
Manuel "Boy" Mejorada is a journalist and social media activist. A former Iloilo provincial administrator, he is now waging a crusade against corruption and narco-politics.

One Response to Ang “lihim na yaman” ni Francis leo Marcos

  1. Dear Mr Manuel,

    Thanks so much for all the info you’ve done a great job.
    I just want to point out only is this guy can easily go out from jail and can be acquitted?since he is claiming he has brilliant lawyers and giving death threats to those who filed a complaint against him as per info he already shut to death one of the man who did this kind of exposé.it was in Baguio the one who gave the info is Jack Patty

    Ba careful po and we pray for your safety

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: