Ito ang ebidensya na ina-angkin ni FLM na anak siya ni Dr. Pacifico E. Marcos


Pagkatapos na pinahiya itong si Francis Leo Antonio Marcos ng personal na pahayag ni dating Senador Ferdinand Romualdez “Bongbong” Marcos, Jr. na hindi siya kamag-anak, mabilis na itinanggi ng pambansang budol-budol na meron siyang sinabi na tatay niya si Dr. Pacifico E. Marcos.

Sa kabila ng pinakalat niya na mga videos kung paano siya naging “Marcos”, ipinakita ni FLM kung ano siya kabilis magsinungaling na naman at i-deny ang mga sinabi niya. Huwag na daw idamay ang mga Marcos, lalo na sina dating First Lady Imelda R. Marcos, Senator BBM at incumbent Senator Imee R. Marcos. May mga fanatico din siya na nagsisigawan na wala daw siyang sinabi na anak siya ni Dr. Pacifico E. Marcos.

Pathological liar kasi ang mga budol-budol. Wala nang natira na hiya sa kanila. There is not even an ounce of conscience left in them. Second nature na sa kanila ang pagsinungaling. Walang pag-atubili kung magsinungaling. Nakita ko na ito sa iba pang mga budol-budol. Very convincing sila mag sinungaling kung hindi mo pa alam ang pagkatao nila.

Pero hindi lang po sa salita si FLM through video or audio nahuhuli sa kanyang pekeng pagkatao bilang isang anak ni Dr. Pacifico E. Marcos. Pati sa dokumento huli siya:

Ito po ang e-passport application ni FLM sa Department of Foreign Affairs (DFA). It was filed on November 18, 2011. DFA issued him a new passport on November 21, 2011.

Nilagay ni FLM sa “Father’s Name” ay ang pangalan na “Dr. Pacifico Edraline Marcos”. Wrong spelling nga lang ang “Edralin”. Super bobo kasi. Kahit spelling ng pangalan ng kunwari’y tatay niya may mistake pa.

Documents do not lie, ika nga.

Ito po ay pirmado ni FLM. Hindi niya puwedeng itanggi. Kaya sa mga umi-idolo sa kanya na bumabatikos sa akin dahil wala naman daw sinabi si FLM na tatay niya si Dr. Pacifico E. Marcos, ito po ang ebidensya.

About Manuel "Boy" Mejorada
Manuel "Boy" Mejorada is a journalist and social media activist. A former Iloilo provincial administrator, he is now waging a crusade against corruption and narco-politics.

17 Responses to Ito ang ebidensya na ina-angkin ni FLM na anak siya ni Dr. Pacifico E. Marcos

  1. Kioma says:

    Anu ba naman yan Idol… Huli ka na naman… Galingan mo naman yung modus mo… Tsk tsk

  2. Romina Flores says:

    Sir, Puede din siguro alamin sa DFA kung ano supporting documents ang submitted the first time he applied for passport under Marcos name. Medyo kaduda Duda kasi pano nakalusot yun? Birth certificate? Haler!!

  3. Hello po Sir, Teresita (Tessie) Strauss po, isa po ako sa inyong taga subaybay from (germany).
    Naniniwala po ako sa mga ulat ninyo.
    Dahil alam ko po na pag may iniulat po kayo ay may mga katibayan.
    Tulad po nang mga Vlog ninyo tungkol kay Sen. Drillon (iloilo) mabuhay po kayo Sir.
    Greetings po from germany (Wiesbaden)

  4. Batang says:

    Sir my video pa na sinasabe Niya na si Imelda,bongbong at eimee eh sa kanya humihingi ng pera

  5. abegaildizonsoriano says:

    Sana matigil na ang panloloko ni FLM madaming tao ang nadadamay sa kalokohan. Keep pushing sir Manuel. Nasa likod mo kami.

  6. Marisa says:

    believe ka din sa scammer na mangusin. lahat na yata ng Marcos tatay na nya. ang dami video napanood ng mga Filipino hes claiming na anak din siya ni pangulo Ferdinand Marcos. adik itong taong ito sa kasinungalingan.

  7. filipinosonlinextra says:

    The wrong spelling of “Edraline” is done on purpose, that’s what I believe. Why? because it allows him to deny everything like what he’s saying now. He could argue it was a different Edraline that sounds like the genuine Edralin.

    • He’s really poor at spelling. That’s why. And he doesn’t care about it anyway. All that he needed to show was that his father is Dr. Pacifico Marcos kahit peke.

    • kim manuel says:

      tama..para pg ngkaipitan nga madali nya ideny..si denial king nga yan huli mo n s sariling bibig idedeny parin…

    • spiderman says:

      sino ka ba’ bakit karami mo alam tungkol sa kanya di biro pag aksayahan mo ng panahon ang isang tao kung wala kang personal grudges sa kanya, ganon pa man isa lang pumapasok sa isipan namin biktima ka rin ng FLM na ito or taong may malasakit sa ating mga kababayan. naway lumabas ang katotohanan at nanaig ang batas sa mga mapanglinlang. mabuhay po kayo at gabayan sa lahat ng inyong ginagawa na sanay matagumpayan po ninyo ang inyong minimithi.

  8. Marissa Puso says:

    I believed na malapit na magwakas ang pagbubudol nya.jail is waving at him…karma is a bitch

  9. Jenelyn Da-anoy says:

    I hate FLM first impression ko pa lng he is a fake, kamikha nya ang ugali nya

  10. Elenette B legaspi says:

    According po to Mr Xian Gaza Blog (Kindly review his Blog )
    regarding sa pag change name n’ya from Norman Mangusin to Francis Leo Marcos pina gawa daw po n’ya yung Court order of change name sa isang Judge sa Mindanao amounting to 300k with birthcertificate

  11. Mike says:

    Sir bakit di aksyunan ng mga Marcos ang bogus claim ni Mangusin?para matapos na ang mga pang loloko? Kasi isang fraud ang ginawa ni Mangusin na pag peke ng mga public documents, siguro ang mga Marcos ang fapat umaksyon dito dahil pangalan nila ang nagagagmit? Wala po bang gawa legal action ang mga Marcos? Isang tanong po balit di directa na binagit specificaly si Mangusin sa interview nya kay Maclama? Sinabe lang na madami mga ganyan

    • jojo says:

      spiderman on May 19, 2020 at 7:39 am
      Your comment is awaiting moderation.
      sino ka ba’ bakit karami mo alam tungkol sa kanya di biro pag aksayahan mo ng panahon ang isang tao kung wala kang personal grudges sa kanya, ganon pa man isa lang pumapasok sa isipan namin biktima ka rin ng FLM na ito or taong may malasakit sa ating mga kababayan. naway lumabas ang katotohanan at nanaig ang batas sa mga mapanglinlang. mabuhay po kayo at gabayan sa lahat ng inyong ginagawa na sanay matagumpayan po ninyo ang inyong minimithi.

  12. Warren Sanchez says:

    Sir, tama po itong ginagawa ninyo na hubaran yang FLM sa pantasya nya at makilala kung ano talaga ang tunay nyang pagkatao. Para ma stop na po ang pag scam nya sa maraming tao. Sana po after ma lift ang covid 19 ecq to gcq ay may mag file na ng kaso sa taong ito para mahuli at makulong. Sana po hindi mabayaran ng pera ang pulis at nbi o kaya madala sila sa mga ginagawang scam ng taong ito. Mabuhay po kayo! Ituloy nyo po ang pagbabantay sa ating mga ka Pilipino. Salamat

  13. Ang galing niyo po maghanap nang ebedensiya. Dahil po sa inyo ay marami po kayong nailigtas sa mga magiging bektima pa ni budolbudol king sir. Marami pong salamat sir

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: