Francis Leo Marcos: hinubaran kung sino talaga siya
May 10, 2020 5 Comments
Ang lockdown nitong nakaraang dalawang buwan ay naging pagkataon para sa akin na makapag research tungkol sa maraming issues. Una ay ang tungkol sa ABS-CBN. Pangalawa ang tungkol sa fake ambush ni Kim Chiu. At nitong nakaraang apat na linggo, dito naman ako nag-focus sa big-time budol-budol ni Francis Leo Marcos.
As an investigative journalist, I always make sure that I have the complete facts before I write a blog article or produce a video. Ito ang dahilan kung bakit medyo natagalan bago ako nagpalabas ng mga video at blog tungkol sa raket ni FLM. Kahit na nakita ko kaagad na scam ang ginagawa niya, nag-gather muna ako ng information. Hindi ako basta-basta nagsasalita kung walang hinahawakan na ebidensya.
During the last week, I was able to reach people who know first-hand the background of FLM from his childhood in Bambang, Bulakan, Bulacan as the original Norman Antonio Mangusin until his sudden appearance on the social media scheme as the “billionaire-philantrophist”.
Galing si FLM sa mahirap na pamilya. Gilbert Mangusin, Sr. ang pangalan ng tatay niya. Walang trabaho. Nanay niya ay si Remedios Antonio. May apat siyang kapatid: Jerome, Gilbert, Jr., Leslie at Aljin. Diyan siya ipinanganak sa Bambang, Bulakan noong Setyembre 29, 1979.
Walang katotohanan ang sinasabi niya na anak siya ni Dr. Pacifico Marcos. At lalong kasinungalingan ang kuwento niya na si dating President Ferdinand E. Marcos ang totoong tatay niya, at kapatid daw niya si Bongbong Marcos.
Labandera ang nanay niya. Ni minsan hindi ito nakapag abroad at pumunta sa Belgium katulad sa pantasya niya kung saan daw siya nabuo sa pagpakig-talikan ni FM at nanay niya.
FLM has become the national fraud.
Ang kuwento niya na siya ang may hawak ng susi sa kayamanan ng mga Marcos ay fake news to the highest degree. Kung may pera man siya, ito ay galing sa panloloko. At hindi po tumatagal ang pera sa mga kamay niya. Isang adik sa casino itong si FLM, at mabilis din nawawala ang perang nakaw sa sugal.
Kaya lang, may malaking sindikato ang nasa likod niya ngayon. Ito ang dahilan kung bakit siya nakapag-RENT ng bahay sa 73 Swallow, Green Meadows Subdivision, Quezon City. Pang pa-impress yun sa mga tao na talagang super yaman siya. Sa totoo, wala siyang bahay. Umuupa lang yan sa condominium. Pero anyway pinalayas din siya ng Home Owners Association sa Green Meadows.
Panadero po ang totoong profession ni FLM. Nagtrabaho siya sa Cuevas Bakery ng ilang taon bago ito umalis ng bansa patungong Middle East in search of greener pastures. Pizza-making ang naging specialty niya. At donuts. Pero pagkaraan ng anim na taon, nag decide si FLM na tumigil na bilang isang OFW. Gusto niya talaga maging mayaman. Sa isip niya, iba ang paraan upang marating niya ang kanyang panaginip: pang budol budol.
Ilalahad ko ang mga natuklasan ko dito sa aking WordPress blog at sa YouTube channel ko. Puwede nga itong gawin na libro. Isisiwalat ko ang “career” ni Norman Antonio bilang isang con artist.
May pm ako sa inyo sir sana po nabasa niyo.
LikeLike
Na a namoy ebedensya Sir nga dili siya usa ka Marcos, ako sir bisag Wala ko kaagi anang balaod pero na a koy nasabtan gamay, diba Sir na ay nakasulat sa balaod Kung walay ebedensya or kulang dili na paburan sa court unya pwede na masumbalik sa imo Kung kulang kulang imong mga ebedensya nga ipakita.
LikeLike
Hello boss si francis marcos ay ilang beses ko po cya nakasama sa flight abroad.. FYI at premier elite sya sa iyang airline. Salamat po
LikeLike
Pingback: Francis Leo Marcos gives more details about his life inside his cell at NBI detention center
Sir hindi porket elite member sya mayaman please lang po.
LikeLike