Scammer na, ECQ violator pa!


Halos dalawang buwan na mula ng ipinatupad itong enhanced community quarantine o ECQ sa Metro Manila at kabuohang Luzon.

At isa sa mga mahigpit na mga hakbang na itinalaga sa pag-implement ng ECQ ay ang curfew. Pinagbabawalan ang paglabas sa gabi hanggang madaling araw habang nasa ilalim tayo ng ECQ.

Ngunit pinagyayabang nitong si Norman Mangusin alias Francis Leo Marcos na gumala ito kasama ang ilang mga kaibigan during curfew hours noong May 5 or 6, 2020.

Pumunta ito sa Taytay, Rizal at namigay ng relief goods — gulay daw at buhay na manok — sa ilang mga residente sa oras ng curfew

Binati pa nito ang ilang mga pulis sa lugar. May mga bodyguard pa. At kasama niya si Konsehal Pia Cabral.

Sa video na ipinalabas ni FLM makikita na may face mask ito pagdating sa lugar.

Subalit hindi tumagal at tinanggal niya ito noong mag umpisa ng umikot sa lugar.

flm without face mask 4

Makikita na walang social distancing ang kanyang grupo.

Pinalabas ang mga tao sa lansangan DURING THE CURFEW. Dikit dikit din ang mga tao na nag-aabang ng tulong.

MGA CLEAR VIOLATIONS OF THE ECQ GUIDELINES.

Panoorin niyo po itong video:

 

Kaya magtatanong po ako sa Inter Agency Task Force sa Covid 19.

Exempted ba itong scammer na si Francis Leo Marcos sa mga istriktong panuntunan kaugnay sa pagpatupad ng ECQ sa Metro Manila at buong Luzon?

Bakit hindi siya hinuli ng mga police officers na nakasalubong niya?

Inaresto nga si dating Senador Jinggoy Estrada dahil namimigay lang ng tulong na walang permit mula sa IATF at LGU ng San Juan City.

Over 100,000 violators of the curfew have also been arrested.

Francis Leo Marcos is making a mockery of our ECQ measures.

Ini-insulto niya ang ating gobyerno lalo na si Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Maitanong ko na rin kay DILG Secretary Eduardo Ano,

Sir, itong si konsehal Pia Cabral may pahintulot ba na makapag sagawa ng relief distribution during curfew hours?

Bakit siya nag violate ng curfew?

Sobra ba talaga ang lakas nitong si FLM at kahit sinong kasama niya ay exempted na rin?

THIS IS A SLAP ON THE FACE OF GOVERNMENT.

Gusto po naman marinig ang mga sagot sa mga tanong na ito.

Ang nakakalungkot ay marami na ang naging biktima nitong si Francis Leo Marcos sa kanyang pang budol budol sa kasagsagan ng Covid 19 pandemic.

Pinagmumukhang tanga niya ang ating mga otoridad na hindi man lang maka kilos upang tulongan ang mga biktima ng kanyang mga scam.

Habang lahat ay nakatutok sa Covid 19 pandemic, libreng libre si Francis Leo Marcos sa ginagawang budol-budol sa milyon-milyong filipino.

Katulad na rin ng isang makakamatay na virus itong ginagawa ni FLM.

Hindi nga makamamatay pero ubos ang pera ng kanyang mga biktima.

Pinapalabas ni FLM na inutile ang gobyerno.

Pina summon ng NBI si Mayor Vico Sotto dahil sa ECQ violations.

Ganun din sa kaso ni Senator Koko Pimentel.

Pero itong si FLM, pinapabayaan lang.

How can the IATF justify its strict enforcement of the ECQ guidelines when these are being violated, in full view of millions of his blind followers, with a feeling of impunity.

Kung big time scammer ay makakalusot, bakit hindi na lang natin payagan ang lahat na lumabas kahit anong oras na gusto nila?

Ngunit sigurado ako na hindi ito tino-tolerate ng IATF.

Kaya hinihiling ko po sa National Bureau of Investigation.

Padalhan niyo rin ng summons itong si Francis Leo Marcos.

Ang address niya po ay Le Grande Towers sa Eastwood, Quezon City.

Papuntahin niyo diyan sa NBI upang magpaliwanag.

Ganun din po si Konsehal Pia Cabral.

If we want this ECQ to succeed, government must demonstrate that its policies are enforced evenly and equally, without fear or favor.

 

About Manuel "Boy" Mejorada
Manuel "Boy" Mejorada is a journalist and social media activist. A former Iloilo provincial administrator, he is now waging a crusade against corruption and narco-politics.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: