Panadero to Bilyonaryo? Ang pekeng kasaysayan ni Francis Leo Marcos (Part 2)


Ang pagpanggap ni Norman Mangusin bilang si “Francis Leo Marcos” ay nakarating sa kaalaman ni dating Unang Ginang Imelda Romualdez Marcos noong nakaraang buwan pa ng Hulyo 2019. Marami na kasi ang lumalabas sa social media na mga larawan ni Mangusin kasama si Mrs. Marcos at ginagamit ito upang mahulog ang loob ng kanyang mga biktima na talagang kamag-anak siya.

Dalawa ang modus operandi ni Mangusin. Nilalapitan niya ang mga negosyanteng Filipino-Chinese at alukan ng fake gold car sa mababang halaga. Meron pala siyang Gold Certificate mula sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) para sa isang tunay na gold bar kung saan makikita ang serial number. Ito ay patunay na genuine ang bareta ng ginto na naka rehistro sa pangalan ni alias FLM.

Talagang nagpuhunan siya upang makabili ng isang genuine gold bar. Subalit ang benebenta niya sa kanyang mga biktima ay peke. Nakabalot lang sa kulay na ginto ang bakal.

Ang pangalawang modus operandi niya ay ang pagsagawa ng “optical mission” kung saan namimigay siya ng mumurahing salamin o eyeglasses sa mga mahihirap sa ibat-ibang bahagi ng bansa. Humihingi siya ng donasyon mula sa mga Chinese businessmen na may balak mag negosyo sa Pilipinas. Siyempre, dahil Marcos ang apilyido niya, naniniwala sila na makakatulong ito upang makapasok dito.

Maliban pa diyan, sumisingil si FLM ng “testing fee” na P300 bawat pasyente. Para daw ito sa pagsuri ng optometrist kung ano ang grado na kailangan sa bawat pasyente. Ang problema, peke din ang eye examination. Nakasuot lang ng puting jacket ang kunwari optometrist. Pagkatapos ang salamin na binibigay ay hindi angkop sa grado ng pasyente. Natuklasan na mumurahing salamin ito na nabibili sa Divisoria sa halagang P50 bawat isa lang.

Ito ang naging buhay ni FLM mula pa noong 2001 pagbalik niya mula sa Saudi. Umikot siya sa Mindanao kung saan marami ang naging biktima niya. At habang doon, biniyaran niya ang isang Judge sa Gen. Santos na palitan ang pangalan niya. Hindi na siya sa Norman Mangusin. Isang Marcos na siya kaagad: Francis Leo Antonio Marcos.

 

About Manuel "Boy" Mejorada
Manuel "Boy" Mejorada is a journalist and social media activist. A former Iloilo provincial administrator, he is now waging a crusade against corruption and narco-politics.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: