Panadero to bilyonaryo? Ang pekeng kasaysayan ni Norman Mangusin (Part 1)


Bilyonaryo daw siya.

Gradwayt daw ng Massachusetts Institute of Technology.

Anak daw ni Dr. Pacifico Marcos.

Mahirap bang matuklasan ang katotohanan?

Lahat po yan ay peke. Drawing ng isang scammer. Budol-budol. Pero kahit pa man napaka-obvious para sa matatalino, marami pa rin ang bobo at tanga ang naniniwala sa kanyang kuwento.

Siya po ay si Norman Mangusin, anak ni Gilbert at Remedios Mangusin. Lumaki siya na mahirap. Nagtapos ng hayskul sa Central Luzon High School sa Panique, Tarlac. Nag-aral ng “baking” sa isang trade school. At nag trabaho sa Cuevas Bakery bilang panadero.

cuevas bakery

Habang teen-ager pa siya sa Tarlac at Isabela, notorious na siya bilang gambler na wala namang pera. Pag natalo, tatakbo lang.

Noong taon 2000, nag apply ng trabaho sa Middle East. Pero hindi rin siya nagtagal at umuwi sa Pilipinas.

leo middle east _LI

Norman Mangusin pa ang pangalan niya noon. Nakakuha ng pekeng passport sa ilalim ng pangalan na “Norman Antonio”. Pagbalik niya sa Pilipinas, nag umpisa na siya mang budol budol. Pinalitan niya ang kanyang pangalan na “Francis Leo Marcos”. May isang judge daw sa Mindanao na binayaran niya upang mabigyan siya ng “change of name” at ipa-register ang sarili sa bagong pangalan.

Pero sa kanyang mga video, sinasabi niya na ipanganak siya sa Baguio City noong Sept. 29, 1979. Tatay daw niya si Dr. Pacifico E. Marcos, kapatid ni President Ferdinand E. Marcos. Nanay niya ay si Remedios Carino Antonio. Subalit nagpalabas ang National Statistics Office (pinalitan na ng Philippine Statistics Authority) noong 2013 ng certification na walang record ng pagkatao o birth ng isang sanggol na may pangalan na “Francis Leo Marcos”. Sunog siya sa kuwento na yan.

Dapat ipalabas na lang niya ang decision ng bayarang Huwes na pumalit ng pangalan niya upang maging “Francis Leo Marcos”.

Kaya walang katotohanan ang kanyang kuwento na ipinangak siya na isang Marcos at mayaman mula pa ng bata siya. Isa siya dating panadero na nag-ayaw na sa tuwid na trabaho. Gusto niya na yumaman sa mga maitim na paraan.

Instead of making bread to feed the people, FLM is fooling the people to steal money from them.

(To be continued)

About Manuel "Boy" Mejorada
Manuel "Boy" Mejorada is a journalist and social media activist. A former Iloilo provincial administrator, he is now waging a crusade against corruption and narco-politics.

One Response to Panadero to bilyonaryo? Ang pekeng kasaysayan ni Norman Mangusin (Part 1)

  1. Butch Temple says:

    Once apprehended by law, we should be watchful coz he got all the scam money in the world to bribe his freedom. Then he is back to his usual trade again to con the illiterate poor masses.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: