ABS-CBN full speed ahead sa fake news!


In 29 days, the final curtain will fall on ABS-CBN with the expiration of its legislative franchise. At habang lumalapit na sila sa finish line, bumibilis din ang takbo ng ABS-CBN sa pagpakalat ng fake news tungkol kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Hinahabol nila ang oras sa pagsikap na mapatumba nila ang gobyerno bago pa man dumating ang May 4, 2020.

Kahapon may pinalabas na naman ang ABS-CBN na fake news tungkol sa nangyaring pamamaril ng isang pulis sa Agusan del Norte ng isang lasing na nag-amok sa checkpoint.

Ito ang headline na pinalabas ng network: “Magsasakang ayaw umanong magsuot ng face mask, patay sa pamamaril ng pulis.”

farmer shot dead headline

Pero iba po ang nangyari.

Ayon sa otoridad doon sa Agusan del Norte, may lalaking lasing na dumaan sa checkpoint. Dahil hindi ito nakasuot ng face mask, sinita ng mga tanod at health worker.

Nagalit ang magsasaki at nagwala. Nilabas ang kanyang hitak at sinugod ang mga nasa checkpoint.

Sa mabuting palad, mabilis na naka responde ang isang pulis.

Hinarap ang nag amok na lasing. Inutosan na huminto at ibaba ang kanyang hitak.

Sa halip na sumunod ang lasing, nag amok na talaga at sinugod ang pulis.

Dahil armado ng deadly weapon ang lasing, napilitan ang pulis na paputokan ng baril. Patay ang amok. Sa mabuting palad, hindi nasaktan ang pulis at ang mga tao sa checkpoint.

DISTORTED ang balita. MISLEADING.

Nabaril ang amok ng pulis hindi dahil sa kanyang paglabag sa regulasyon na magsuot ng facemask kung nasa labas ng bahay.

Nabaril siya dahil inatake niya ang pulis at may balak na saksakin ang pulis.

It was an act of self defense.

Makikita kaagad sa headline ng ABS-CBN ang masamang layunin nito na gamitin ang sinabi ni Pangulong duterte tungkol sa pag gamit ng puwersa sa mga nanggugulo.

Pareho sa Rappler, pinalabas ng ABS-CBN na sinusunod ng pulis ang “shoot to kill” daw na utos.

Hindi naman ganun ang sinabi ni Pangulong Duterte.

Subalit ini-iba ang biased media katulad ng ABS-CBN, Rappler at inquirer ang katotohanan.

Distorted palagi ang balita.

Hindi maganda para sa public perception tungkol kay President Duterte.

Sinasabayan ang ganitong fake news ng mga posts sa social media ng mga artista ng ABS-CBN na minamasama si Pres. Duterte.

May mga nananawagan ng hashtag Oust Duterte Now.

There is no doubt in my mind that ABS-CBN is leading the propaganda war against the government.

Sa bawat pagkakataon, sinisiraan ng network ang gobyerno.

Pinapa-ligaw ng network ang isip ng tao sa maling direksyon.

At sa halip na tumulong upang mapa-calma ang taong bayan, nagtatanim pa ito ng malisyosong kasinungalingan upang magalit sila sa gobyerno.

Napakarami na ang mga kasalanan ng ABS-CBN.

Sa nabanggit ko sa aking investigative report sa kasong fake ambush kay Kim Chiu, bahagi  yun ng isang destabilization plot laban sa gobyerno.

Kaya lang pumalpak dahil mabilis na nabisto na peke ang ambush.

Kailangan mag-ingay ang sambayanan upang ipabatid sa National Telecommunications Commission o NTC na huwag na huwag itong bigyan ng provisional authority to operate.

NO TO THE RENEWAL OF THE ABS CBN FRANCHISE.

YES TO THE SHUTDOWN OF ABS-CBN.

Kung suportado ninyo ang panawagan na ito, paki click ng like at i-share ang video na ito sa inyong mga kaibigan.

We need to confront this threat to our republic as one people.

 

About Manuel "Boy" Mejorada
Manuel "Boy" Mejorada is a journalist and social media activist. A former Iloilo provincial administrator, he is now waging a crusade against corruption and narco-politics.

One Response to ABS-CBN full speed ahead sa fake news!

  1. Bernard Joseph F. Acacio says:

    The station abias-cbend must shutdown. if not It would like another extension of the quarantine. You just go to Youtube and investigate you will see that abias-cbend and the dilawan are operating as one working together for a common goal against the Government.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: