Kabobohan sa Senado!
February 19, 2020 Leave a comment
Natawa ako kagabi habang pinapanood ang ulat sa DZMM tungkol sa reaksyon ng ilang mga senador sa hinihingi na GAG ORDER mula sa Korte Suprema upang bawalan ang pampublikong usapan “on the merits of the case” kaugnay sa Quo Warranto case laban sa ABS-CBN.
Sabi ni Senator Grace Poe, mukhang tinutulan ni Solicitor General Jose Calida na lumabas ang katotohanan tungkol sa alleged violations sa legislative franchise ng ABS-CBN kaya nito hiniling ang pagpalabas ng gag order sa ilalim ng SUB JUDICE rule ng ating judiciary.
Paano daw makapagsalita ang mga taong kinakauukulan sa franchise tungkol sa mga isyu kaugnay dito?
Pareho din ang panindigan ni Senator Sherwin Gatchalian. May karapatan daw ang Senado na magdinig ng franchise renewal kahit na magpalabas pa ng gag order ang Supreme Court. Dapat daw galangin ng Korte ang karapatan ng Senado sa pagdinig ng franchise application.
Susmaryosep!
Mga bobo!
In the first place, the gag order ay para sa ABS-CBN at mga taong may kaugnayan sa TV network. Under the sub judice rule, bawal para sa mga tao na litigants sa isang kaso na magsalita sa media tungkol sa MERITS. Specifically, the prohibition covers only the issues raised in the petition, and not the case itself nor ABS-CBN’s franchise.
Definitely, it does not prohibit the Senate from doing its legislative work with respect to the legislative franchise of ABS-CBN. Gusto niyo lang kasi sumakay sa isyu at makakuha ng free media mileage! Ayan, lumabas tuloy ang pagkabobo ninyo!
Mag-aral naman kayo mga Senador!