Si Mayor lang pala ang KATAPAT ng mga oligarch


For a long, long time, the Philippines has been under the tight grip of the oligarchs working side by side with politicians who protect their interests in exchange for financial support.

Siguro wala nang mas magandang halimbawa kondi ang pamilya Lopez, ang may-ari ng ABS-CBN at dati rin may-ari ng Meralco.

In the 60s, the brothers Eugenio Sr. and Fernando Sr. combined business and politics to build an empire that enabled the Lopez family to accumulate tremendous wealth that their children, grandchildren and great grandchildren will never have to worry about their finances.

Si Fernando Sr. ay ipinatayo ng kapatid na si Eugenio, o mas kilala na si Ening, bilang isang politika kahit na hindi naman ito magaling na lider. Isang abogado si Fernando, subalit hindi ito nag practice. Pumasok sa negosyo upang tulungan ang kapatid na si Ening.

Pagkatapos ng World War II, kahit wala itong karanasan sa politika, Fernando was appointed Mayor of Iloilo City in 1945. Tumakbo ito bilang Senador noong 1947 at nanalo. Paano ba naman na hindi siya mananalo? May sarili siyang propaganda machine — yung ABS-CBN at Manila Chronicle. At siyempre, napakaraming pera.

When I was growing up, I heard stories about Fernando’s speech problem. He stammered when he spoke. Nabubulol kung magtalumpati. At nahihirapan kung nagbabasa ng English speech. One example: Legend has it that he read the words “Once upon a time” as “Onse apan a ti-me”.

Nahalal si Fernando Sr. bilang Vice President in 1949 hanggang 1953. Pagkatapos nito, tumakbo muli bilang Senador at nanalo. In 1965, he was chosen by President Ferdinand E. Marcos as his running mate and won. Nanalo muli siya bilang Vice President kasama si Marcos noong 1969.

Habang nasa politika si Fernando Sr., patuloy na pinalaki ni Eugenio ang kanilang mga negosyo. Napansin ni Marcos na hawak na ng mga Lopez ang napakalaking kayamanan bilang isang oligarch family. Nagalit si Marcos sa mga Lopez. At walang tigil ang ABS-CBN sa pagpupuna tungkol sa alleged corruption ni Marcos. Nasira ang kanilang samahan sa politika.

Bumagsak na ang pamilya Lopez noong martial law. Pero nakabawi sila pagkatapos ng 1986 EDSA Revolution nang binalik ni Cory Aquino ang Meralco at ABS-CBN sa kanila. Biglang yaman na naman muli ang mga Lopez.

Kaya malaki ang utang ng mga Lopez sa pamilya Aquino. Ito ang dahilan kung bakit dilaw na dilaw ang ABS-CBN.

At katulad ng ginawa ng ABS-CBN kay Marcos, walang tigil ang TV network sa pagpuna at batikos kay Pangulong Rodrigo Duterte mula nang maupo ito bilang President of the Republic in 2016. Natalo kasi si Mar Roxas at nasa peligro si Noynoy Aquino na makakasuhan sa mga kasalanan niya habang Pangulo ng Pilipinas.

Pero hindi akalain ng ABS-CBN na matibay na kaaway si Mayor. Sa kabila ng walang tigil na pagpuna at batikos laban kay Mayor, masyadong popular pa rin si Digong. At malas ng ABS-CBN, dahil nasilip ni Solicitor General Jose Calida ang napakaraming mga paglabag nito sa ating mga batas. May kaso na ngayon sa Supreme Court kung saan kinikuwestiyon ni Calida ang franchise violations ng ABS-CBN, pati na ang paglabag sa prohibition on foreign ownership.

Si Mayor lang pala ang katapat ng ABS-CBN!

About Manuel "Boy" Mejorada
Manuel "Boy" Mejorada is a journalist and social media activist. A former Iloilo provincial administrator, he is now waging a crusade against corruption and narco-politics.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: