Kahit sa signature campaign, hindi makaka buwelo ang ABS-CBN
February 18, 2020 1 Comment
Sa loob ng 24 oras mula kahapon, halos isang libo lang na pirma ang nadagdag sa signature campaign na inilunsad ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) upang ipakita ang suporta para sa renewal ng legislative franchise ng ABS-CBN.
Target ng NUJP na maka-ipon ng 1 million signatures at ibigay ito ang petition sa House of Representatives upang magkaroon ng PRESSURE sa ating mga mambabatas na bilisan ang pagtalakay nila sa application for renewal ng ABS-CBN franchise.
Kaninang madaling araw, nasa 182k pa lang ang kabuohang pirma sa online petition.
Akala ko ba malakas ang INFLUENCE ng mga celebrities ng ABS-CBN sa taong bayan. Walang tigil ang mga artista katulad ni VICE GANDA sa pag-apela sa publiko na suportahan ang TV network.
Sa ngayon, ina-amin na ng mga senador at congressmen na pumapanig sa ABS-CBN na hindi na mapipigilan ang pagsara ng TV network kung hindi pa ito mabigyan ng prankisa pagdating ng Marso 30, 2020.
It is very clear from the Supreme Court decision noong February 17, 2003 na kailangan ang franchise para maka pag-operate ang isang TV network. NO FRANCHISE, NO OPERATION.
Ito siguro ang dahilan na binabalak ni Senator Grace Poe ang pagsagawa ng hearing para sa renewal ng franchise ng ABS-CBN. Sorry po, ma’am. Hindi po yan sang-ayon sa batas.
Go, go, go. lodi.
LikeLike