Mga senador haharangan ang VFA termination


May ilang senador ang tutungo sa Korte Suprema upang harangan ang pag-terminate ng Visiting Forces Agreement (VFA) sa utos ni Pangulong Rodrigo R. Duterte. Gusto kasi nila na kunin muna ni Pres. Duterte ang pagsang-ayon o CONCURRENCE ng Senado bago ito tuluyan na itigil ang kasunduan pang-militar kasama ang Amerika.

Isang SHOWDOWN ang tawag nitong hakbang ng mga senador. May pagbanggaan sa pagitan ng Malacanang at Senado. Sa paniwala ng Palasyo, hindi na kailangan ang pahintulot ng Senado. Iba naman ang panindigan ng Senado. May mga senate resolution na daw na ginawang requirement ang pagsang-ayon ng Senado.

Kasama sa magpipirma sa petition na hinahanda ng ngayon ay sina Senate President Tito Sotto III at Senate Minority Leader Franklin Drilon.

This is an interesting issue.

Last week, nagsalita si Senator Francis “Tol” Tolentino sa session ng Senado at ipinaliwanag kung bakit, sa paniniwala niya, hindi na kailangan ang pagsang-ayon ng Upper Chamber ng Congress.

May ilang desisyon na ang U.S. Supreme Court na nagsasabi na nasa kapangyarihan ng Pangulo ang pag-terminate ng isang kasundu-an sa pagitan ng America at ibang bansa na hindi na kailangan pang ida-an sa Senado.

Sa kaparehong mga sitwasyon, ang pag-abrogate ng isang agreement ay political issue, at hindi maaring maki-alam ang judiciary. Pagdating sa mga bagay na POLITICAL, ang Executive ng bansang America ay maaring maka-desisyon na walang CONCURRENCE sa Senado, sabi ni Senator Tolentino.

Pero matinding kinalaban ito ni Senator Drilon. Maliwanag daw sa senate resolution noong nakaraang Congress ang kagustuhan ng mga Senador na kailangan muna ang pagsang-ayon nila bago i-terminate ang isang kasunduan katulad ng VFA.

About Manuel "Boy" Mejorada
Manuel "Boy" Mejorada is a journalist and social media activist. A former Iloilo provincial administrator, he is now waging a crusade against corruption and narco-politics.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: