Kapos na kapos sa 1 million signatures campaign para sa ABS-CBN
February 17, 2020 Leave a comment
Mula nang inanunsyo ni Solicitor General Jose Calida noong buwan ng Enero na maghahain siya ng Quo Warranto petition laban sa ABS-CBN, kaagad naglunsad ng isang signature campaign ang mga supporters upang maka-ipon ng 1 million na pirma ONLINE at iparating ito sa House of Representatives.
Ngayong umaga, at around 5:24, tinignan ko ang http://www.change.org page para sa ONLINE PETITION pabor sa ABS-CBN at nagulat ako. Akala ko, dahil nga maraming tagapanood ang TV network, hindi tatagal at makarating sa 1 million signatures ang kampanya na ito. Lahat na celebrities ng ABS-CBN umapela sa taong bayan na suportahan sila. Kung mahal nga sila ng mga fans nila, siguro hindi mag-aalinlangan ang mga tao sa pag-click sa petition page na ito.
Kaya malaki ang gulat ko ng makita ko ito:
Pagkatapos ng malaking ingay ng mga ABS-CBN stars, nasa 181,830 pa lang ang pumirma.
Ibig sabihin, hindi tumalab ang taktika ng ABS-CBN na gamitin ang STAR POWER ng mga celebrities katulad ni VICE GANDA upang maka-ipon ng maraming pirma at ipakita na suportado ng taong bayan ang renewal ng franchise nito.
Hmmm. Malaking problema ito para sa ABS-CBN.