Paalam na VFA, kakayanin ng mga Filipino ang anumang away
February 16, 2020 Leave a comment
Noong pina-alis ang U.S. bases sa bansa noong 1992, marami ang nagsabi na malaking kalawan ito sa Pilipinas. Mapipilay daw ang ating ekonomiya. Magiging vulnerable tayo sa pag-atake ng ibang bansa. Puro takot ang mensahe para sa bansa.
It’s been 27 years since the U.S. bases left. Wala kahit isa sa mga pinangambaan noon ang nangyari. At sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Duterte, mas lalong lumakas ang ating Armed Forces of the Philippines. Nakabili tayo ng mga barkong pandigmaan, mga eroplano, helicopters at iba pang gamit. Hindi po ito gali sa mga Amerikano. Sariling pera yan ng Pilipinas ang ginamit at hindi sa U.S. defense suppliers yan nangaling.
There is nothing that the Philippines gained from VFA. May nagsasabi na mawawalan daw ang mga sundalo natin ng mahalagang pagsasanay sa pag-aaway. May nagsasabi na hindi na tayo makakagamit ng mga surveillance drones sa pagpakig-away natin sa Abu Sayyaf at NPA.
Kabaliktaran yan sa katotohanan. Iba ang away na kinakasanayan ng mga Amerika. Iba rin ang away ng mga tropa ng Pilipinas. Sa insurgency, away sa gubat ang kailangan. Mas magaling dito ang mga Filipino. In fact, in the past, American soldiers trained in jungle survival from the aetas of Zambales.
At tandaan natin: wala tayong pakinabang in terms of weaponry. Yung tulong ng mga Amerikano ay kapos sa kailangan natin. Kaya hanggang ngayon, hindi pa natatapos ang insurgency problem ng Pilipinas.